Twenty

28 19 7
                                    

💫: SHOOTING STARS



-----



"Nasaan na yung monito ko?" Sigaw ni Xi habang dala-dala ang regalo niya.




"Wala raw magbibigay sa'yo kasi mojito ang gusto mo, hindi yung monito!" Sigaw ni Joy habang nag-iihaw ng barbeque.



Humarap sa akin si Xi bago itinuro si Joy, "Sis oh! Napaka-pasmado ng bibig ng kapatid mo!"



"Matagal na pong pasmado ang bibig ko, ngayon mo lang nalaman?" Sabi niya bago ito inirapan. Napatawa na lang ako bago sila tinalikuran.



Kinuha ko ang mga tassle ng design namin na binili namin sa Lazada. Katulong ko ngayon si Justin sa pag-design dahil 'artistic' daw kami. Kasalanan ko bang marunong lang akong mamili ng mga designs?



"Josh, doon ka na nga. Wag mo kaming abalahin dito!" Sabi ni Justin habang inaagaw kay Josh ang pang-bomba sa lobo.



"Hindi ka sana payagan ng Ate niya, pangit ng ugali mo." Tumingin si Josh sa akin bago umalis habang tumatawa.




Napailing ako sa mga bardagulan nila. Hindi na ba ako masasanay sa ganitong sitwasyon? Napabuntong-hininga ako bago ko idinikit ang mga designs sa pader namin.




Buti na lang at wala rito sina Mama't Papa. Doon daw sila magpa-Pasko kina Tita Mari. Mag-bonding daw muna dahil minsan lang kami magkakasama. Kaso si Stell, gustong makasama sina Mama kaya pupunta kami bukas kina Tita Mari.



"Buti pumayag si Tita na magsama-sama kayo rito 'no?" Sabi ni Xi habang kumakain na ng bbq.




"Oo, basta si Ken daw ang bahala." Sabi ni Josh habang hinihila palayo si Xi dahil inaabala raw kami.



Hindi ko alam kung anong ginawa ni Ken kay Mama para maging mabait siya sa kaniya. Ganoon din si Papa kay Mama. Minsan tuloy, iniisip kong hindi naman talaga strikto si Papa. Baka tinatakot lang ako, ganoon.



"Tara na, ikabit na natin ito."




Tumango ako bilang tugon kay Justin. Kaagad akong tumuntong sa mga upuang nakasalinsin ng maayos. Tinawag namin si Sejun para tingnan kung ayos na ang design namin and he gave us a thumbs up.




"Ang ganda a!" Puri ni Stell habang bumababa ako sa upuan.



"Siyempre, maganda yung nag-design e." Narinig ko ang tawa ni Stell bago ako nagkibit-balikat.



Inayos ko rin kaagad ang design ng table skirting at si Justin naman ang sounds. Dahil division of works nga, sa'min nga lang napunta ang mahirap dahil artistic fersown daw kami.



Maya-maya rin lang ay nagsimula na ang handaan namin. I volunteer to lead the prayer habang si Justin at Stell naman ang hosts namin for tonight. Mamaya pa raw ang monito monita pero si Xi excited na kung sino raw ang nakabunot sa kanya.



"Yung pinaka-excited, hindi raw po mabibigyan." Pasaring naman ni Stell.




"Yung puro parinig diyan, hindi sasagutin ng nililigawan!" Ganti rin ni Xi.



Tumawa ako bago nagdesisyon kaming maglalaro ng parlor games. Isipin niyo, parlor games pero walang naggugupit? Charot.




Kaagad kong inayos ang mga monoblock chair dahil Trip to Jerusalem daw ang lalaruin namin. Hindi ako sumali dahil hindi ko rin namang bet maglaro. Sumali lang sila roon dahil may premyo raw na singkwenta pesos.




Shooting StarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon