💫: SHOOTING STARS
-----
"Okay, pakihanda na lang lahat. LAHAT!"
Kaagad kaming kumilos dahil pasado alas-10 na ng gabi. We do many runouts before they decided to came up with their own strategies. Pinagbawalan ang ibang mga guests na umakyat dito sa rooftop para makapanood ng fireworks display mamaya.
"Kuya Roel, pwedeng bumalik tayo sa office? Kaya pa po ba?"
"Naku! Baka hindi na, sobrang traffic na raw po kasi sa EDSA."
"Sige po Kuya, salamat!"
Kinuha ko ang ibang mga gamit sa room nila bago dumiretso papuntang rooftop at dalhin ang mga outfits doon. Hindi ko alam kung bakit ngayon pa lang sila magre-rehearsal ng damit kung ilang oras na lang bago ang performance nila. Nakita kong nakaupo si Xi sa hagdanan habang umiinom ng gatorade na binili niya.
"Sissy!" She smiled at me habang pinapakita sa'kin ang inumin. I just nodded at her before I go up.
Kinuha ko kaagad ang isang sampayang bakal doon bago ko nilagay ang mga bitbit kong damit. Inayos ko 'yon according sa bawat set ng damit nila para hindi mahirap hanapin. Bumuntong hininga ako ng makita ko silang nasa rooftop na rin at naka-ayos na for their first set of song.
"Okay boys, position!"
"Yeah, we gonna go up!"
Kaagad napuno ng sigawan ang rooftop ng hotel. Some people are cheering for them, and angat na angat kaagad ang energy nila. Especially Josh and Justin na parehas pang tumatawa. Right now, they're performing their hit single, Go Up.
Go Up is their rendition song, but What makes them go wonder around the world. They did a huge difference from the original song, and I love that differences they made. Nagfafanchant pa ang ibang staff dito, kaya bigay-todo talaga sila.
"Wow, ngayon ko lang silang nakitang mag-perform ng sobrang energetic. Like personal ko talaga silang nakita!"
"Ang angas ni Ken, oh! Seryoso lang pero ang lakas ng dating!"
Tumawa ang nag-uusap sa likuran ko. Hindi ko sila malingon-lingon dahil baka sabihin nilang espiya ako. Siguro, curious lang talaga sila. We don't know what's running on their minds.
"Sheesh! Ang angas! Ang galing!"
"Sissybells na nililigawan ni Ken!!"
Nakita kong may dala-dalang paper bag si Xi at Trina na galing sa Starbucks. Nakita kong tiningnan ni Xi ang nag-uusap sa likuran ko bago tumingin sa akin. Nakita ko kung paano magtulakan yung nag-uusap kanina bago umalis.
Pumalakpak si Trina bago tumabi sa akin. Inabot ni Xi ang mga kapeng binili nila sa ibang staffs bago nagdesisyong tumabi sa akin. Kaagad ko naman siyang kinurot sa tagiliran dahil sa ginawa niya.
"Bakit mo sinabi 'yon? Mamaya, issue na naman." Bulong ko.
"Hello, sissy?? Kalat na kaya na ikaw ang nililigawan ni Papi Ken?! Are you even aware of it?" Tinaasan niya ako ng kilay.
"Hindi ako aware, sorry."
"Kalat sa twitter yung photo kung saan naka-day daw sa account ni Ken yung photo ninyo nung Christmas."
Pinanood ko lang silang mag-perform. Kalat na pala? I'm not really aware of it dahil siguro wala na rin naman na akong pake sa kanila. Sa bahay, well-trained na ako sa ganyan. Dito pa kaya sa mundong ginagalawan ko?
BINABASA MO ANG
Shooting Stars
Fanfiction"You heard her, right?" He said while staring at him with his fierce and killer eyes. "Now, leave. She doesn't deserve a man like you, scumbag." Ken Suson is an aspiring artists working together with Klysenth Ortigas as one of the staff in their com...