Nineteen

27 19 3
                                    

💫: SHOOTING STARS



-----




Two days after naming magpunta sa dagat, everything went back to normal. Ewan ko lang kay Ken na halos hindi na humihiwalay sa tabi ko. Pinapalayo ko tuloy sa akin dahil baka mahalata ni Papa na masyadong malapit kami sa isa't-isa. Strikto pa naman 'yon.




"Klysenth, magsisimba ka ba mamayang alas-3 ng umaga?" Tanong ni Mama. Tumango ako sa kanya habang humihigop ng sabaw ng sinigang.




"Sasama ako mamaya kay Ate."




Tumango lang si Mama. Wala ngayon si Papa rito dahil nasa Lucena raw, may iniintinding papeles. May sariling buhay ang lima sa kabilang dulo ng lamesa. Si Sejun, halatang nasasarapan sa luto ni Mama. Sa pagkakatanda ko, paborito niya 'yon.




"Kuya Josh, sama ka mamayang madaling araw? Sisimba?" Tanong ni Joy kaya napabaling kaming lahat sa kanila.




"Oo, sasama raw si Xi eh."



"Makasama nga rin ako, ipagdarasal ko yung puso kong namamatay sa kanya." Napahawak si Stell sa kanyang dibdib bago kami tumawa.




Matapos naming kumain ng tanghalian, nag-siyesta kami sa likod ng bahay dahil may maliit na kubo roon at maraming puno. Nagdala lang sila ng banig na pinadala ni Mama. May dala-dala silang gitara, may short jamming siguro sila.




Kumuha ako ng unan bago iniabot sa kanila 'yon para makahiga naman sila kahit papaano. Nasa loob kami ng kubo ni Joy habang sila ay nasa labas. Kumakanta si Sejun habang nagbe-beatbox naman si Stell.




"Alam niyo ba, may nagawa na kaming kanta ni Ken. Natapos na rin namin yung song, gusto niyong marinig?" Sabi ni Sejun habang umuupo ako sa maliit na hagdanan ng kubo.




"Alam na nga rin ni Klysenth 'yon."




Sabay-sabay na lumingon sila Josh, Stell, at Justin sa akin. Hilaw akong ngumiti bago tumingin kay Ken na nakangisi sa akin.




"Ah, title lang ang alam ko."




"Ano ang title?" Pagtatanong ni Sejun habang nakangiti.




"Mapa...?" Sambit ko dahil hindi ko alam kung tama ba ang nabanggit ko.




Malaki ang ngiti niya bago tumawa si Sejun bago ibinalik ang tingin sa gitara. Nagdidiskusyon yung dalawa ni Josh at Justin, habang si Stell naman ay kinukulit si Sejun kung ano raw yung bagong kanta nila. Chaotic group, indeed.




"Hoy, makinig kayo. Heto yung tono nung na-compose namin ni Ken."




Kaagad naman silang bumilog bago nag-strum ng gitara si Sejun. Pinapakinggan ko lang ang boses ni Sejun habang kumakanta rin si Ken. Basically, parang demo style pa lang ang kinakanta nilang dalawa para sa grupo nila.




Napagpasyahan kong pumasok na sa kubo para matulog dahil inaantok pa talaga ako. Nakita ko roon si Joy na tulog na habang nasa kanya ang electric fan. Pinindot ko muna 'yon bago ako humiga sa tabi niya. Naririnig ko pa rin ang pag-strum ng gitara ni Sejun bago ako makatulog ng mahimbing.




Pasado alas-tres na ng magising ako dahil sa ingay nilang lahat. Nagtatawanan sila roon habang umiinom ng buko juice na nasa buko pa mismo. Pupungay-pungay pa ako habang sumisilip sa bintana. Mukhang napansin yata nila na nagising na ako kaya tinawag ako para makapag-meryenda na rin.




Shooting StarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon