Four

56 19 1
                                    

💫: SHOOTING STARS

------


Sa mahigit na isang buwang pagtatrabaho ko dito, paulit-ulit lang ang ginagawa ko. Minsan tutunganga, minsan sobrang busy. Di ko alam kung paano ko pagsasabayin ang oras ko kay Aiden. Minsan, nakakatulugan ko na siya. Buti na lang, naiintindihan niya ang lahat. Napangiti ako.


"Aurum, pumunta ka raw sa room nung lima."


Agad akong tumango at pumunta sa room kung saan nagpapractice yung lima. Agad na sumalubong sa'kin ang upbeat na kanta at tawanan. Lihim kong tinitigan ang lima. Pero mukhang nakahalata yata si Jah at nakita ako. Ngumiti ako bago umupo sa isang upuan na nandoon. Pinatay nila ang tugtog tsaka umupo sa sahig. Isa-isa nilang kinuha ang bottled water nila at uminom. Kaagad kong hinanap ang notebook na dala ko para masabi sa kanila ang schedules nila.


"Magiging busy kayo next week since puro promotions na ang mangyayari. After nung release ng song niyo." sabi ko. Nakita kong nag-apir sila. Ngumiti ako.


"Kaya back to practice na ulit kayo para ma-achieve natin ang dreams ninyo! Fighting boys!" sabi ko tsaka nag-aja sign. Nakita ko ang panlulumo sa mata ni Justin.


"Pwedeng one day break lang? Matutulog lang ako promise!"


"Di pwede, bawal sumuko!"


"One day lang eh."


Kaagad na binatukan ni Josh si Justin dahilan para magtawanan ang lima. Kahit kailan talaga. Tiningnan ko ang phone ko at nakitang nag-text si Aiden. Mamaya ko na lang babasahin yung message niya. Kaagad kong binuklat ang notebook na hawak ko at nag-discuss sa kanila ng kanilang mga ganap. Mahirap talaga ang ginagawa ko. Pero alam kong mas mahirap yung ginagawa nila. Suggest ko nga kay Ate Rose na magkaroon sila ng one day break before their presscon, siguro. Matapos kong mai-discuss sa kanila ang mga schedules nila, aalis na sana ako pero biglang humirit ang lima.


"Sige na, Aurum! Panoorin mo na dali! Critique mo kami ganun!"


"Parang di naman kaibigan 'yan..."


"Kapag nagandahan ka, libre mo kami. Ano set?"


"Josh talaga, puro libre!"


Napuno ng tawanan ang room. Napailing na lang ako tsaka umupo ulit. Nakita kong ngumisi si Ken pero di ko na lang pinansin.


"Sige na, sige! Libre ko na kayo kapag nagandahan ako sa performance ninyo." sabi ko tsaka pinag-krus ang hita ko at humalumbaba sa harapan nila. Kaagad silang pumwesto. Isang masiglang beat ang pumuno sa aking tainga. Kaagad na nagpakitang gilas sila. Actually, maganda ang beat tsaka lyrics nila. Pati dancing skills. Parang robot...


Napansin ko ang part ni Ken, his moves are different from the others. Stell's voice... Mas mataas pa yata sa grades ko nung college pa ako. Si Josh, iba talaga ang charisma at rapping skills. Si Justin, iba rin ang timbre ng boses, actually, konting practice na lang siguro, gaganda lalo boses niya. Tsaka si Sejun, yung rasps ng boses niya. Napangit ako. I know, one day... Nang matapos ang performance nila, kaagad na nagsi-upuan sa sahig ang lima at hinihingal. Kaagad akong tumayo at pinalakpakan sila. Nakita kong ngumiti si Sejun at Stell.

Shooting StarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon