Chapter 21-Zin Pov

778 23 0
                                    

"Ate Sama ka samin?Pupunta kami ni Red sa Ilog ate maligo tayu Hali kana ate"sabi ni baby flor saka agad naman akong hinatak kaya agad naman kaming lumabas pagkabungad nang umaga ang mga nawasak ngayun parang himalang nawala yung tindahan katabi nang tinulogan namin nasira yan kagabi dahil jan ako tumama pero ngayun parang wala lang nangyari.Nakikwento na nila flor at red yung tungkol sa Barrio Lumina isinumpa daw ito dahil naingit ang isang masamang magician sa Barrio dahil nga napakasagana sila sa pagkain dito nakita ko nga maraming pananim sa ibang bahagi nito saka halos lahat nang mga gurong magician sa academia ay nanggaling din dito kapalit daw nang buhay nya ang sumpa kaya yung masamang magician nayun at nasawi din dahil sa sumpa nito buti nalang may komuntra sa sumpa nya kaya hindi tuloyang nasira itong barrio nato.

"Ako si Generosa ang nanggaling sa Barrio Dehaja ay sinusumpa Ang Barrio Lumina  ay mapapasalalim nang Kagulohan na lahat nang mga magician na naninirahan dito ay masasawi dahil sa ibat ibang halimaw lahat sila ay mamamatay nang naghihirap"

Pagkatapos daw nun nalagutan na nang hininga si generosa.Buti nga may kumuntra sa sumpa nya pero hindi nito nakayang Alisin talaga ang sumpa dahil nasawi nga ito kaya ayun yung mga tao sa barriong ito ay nagtatago pagabi dahil sa mga halimaw na gumagala pero hindi nila nakaya na gabi Gabi nalang may sumusugod hanggang sa mamatay daw ang lahat walang ni isang natira kaya naging ganito ang Barrio walang tao tapos paggabi sinasalakay ito nang mga halimaw.

"Sige Tara na nga "sabi ko sabay Sabay naman kaming tumakbo papunta sa Ilog ang saya lang nang buhay namin kung umaga habang napakapanganib kung gabi pagkasilip nang buwan nagiging imperno ang lugar nato nagsisilabasan ang mga halimaw at naghahanap nang mga magician na kakainin nito.Naku po.

**

Sa kabilang dako nagkakagulo na ang mga estudyante sa academia dahil hindi nila nakita sina flor at red kaya hinanap nang mga ito ang dalawa sa buong academia pero hindi parin nila nahanap.

"Zin ano bang nangyayari sayu?Parang wala ka sasarili mo ang mga tao dito sa academia nagkakagulo na dahil sa pagkawala nang dalawang bata na sina flor at red tapos ikaw nakatulala lang jan sa tabi?Kung nandito si Kiesha satingin mo gusto nya yang ginagawa mo?Di kapa kumakain nagrereklamo nadin si Trisha hindi mo daw sya pinapansin Ano bang nangyayari sayu zin!"sabi ni jen sakanya pero hindi nya naman ito pinansin bagkos napatingin lang ito sa bintana.

"Wala sila dito sumama sila kay Kiesha"sabi lang nito saka umalis na sa harap ni jen medjo nagiba ang trato nya sa kaibigan kaya nakatulala naman bahagya si jen bago naglakad papunta kila Cy para ipaalam ito habang si zin naman dumiretso lang sa kwarto nya saka napahiga nalang sa kama saka napatingala sa kisame.Ramdam na ramdam nya ang kirot sa dibdib nito dahil hindi nya nagawang mailigtas o tulongan manlang si Kiesha sinisisi nya ang sarili dahil sa nangyari gusto nyang tumakas at hanapin si Kiesha sa labas nang academia nasubokan na nya nang ilang beses yun pero hindi nya nagawang makalabas napaghandaan na kasi nang mga nakakataas yun para hindi nito matulongan si Kiesha kaya wala itong magawa kundi magtiwala nalang sa dalawang bata na kaya nilang protektahan at tulongan si kiesha.

Agad naman syang naglaho para sana lumabas sa academia pero bumabalik lang sya sa loob ni hindi sya makalabas nang hawakan nya naman ang pinto nang academia hindi iyun bumubukas si tulad nang dati kaya inis naman syang Napasuntok naman sa pinto pero hindi naman ito nasira o ano dahil nga may pananggalang ito.

Napahagulgul naman sya saka napaupo nalang sa pinto naiinis sa sarili dahil sa nangyari.

"Mahal ko hihintayin ko ang pagbabalik mo kung magkataon hiding hindi na ako papayag na mawala kapa sakin"sabi nya nalang saka pinahid ang luha nagpunta naman sya sa likod nang library kung saan sila unang nakapagusap nang masinsinan Napabuntong hininga naman ito habang inaalala ang nangyari nang araw nayun kasabay nun ang pagngiti naman nito nang mapait ramdam na ramdam nya Mahal na nya ang babae dahil ito lamang ang nagpatibok nang puso nya hindi nya gusto si Trisha kahit na ito na ang nakapagkasunduan nang mga magulang nila galit nga sya kay Trisha dahil ginawa nya talaga ang lahat para lang maikasal sila agad agad Dalawang linggo nalang kasal na nila.

Reincarnate As Unknown Weak Princess(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon