Chapter 18: Wedding is off

507 17 4
                                    

Lisa's POV

Nagpapamusic ako sa balcony nang makita kong dumating na sina Jennie at Kai.

Kita ang saya sa mukha niya habang nagkukwentuhan silang dalawa.

How I wish ako ang rason nang mga ngiti niya.

She was so beautiful.

Hindi ko naman maintindihan ang sakit na nararamdaman ko nang biglang hawakan ni Kai ang mga kamay ni Jennie.

Kinuha ko ang phone sa mesa at naisipang pumasok na sa loob ng bahay.

Hindi ko na kayang makita pa ang gagawin nila.

Ang sakit nila sa mata.

Naisipan kong dumiretso sa rooftop ng mansion.

Saka ko tinignan ang phone ko.

Nakita kong nagtext si Rosie.

My Rosie

Lisa, I miss you.

Naisipan kong tawagan siya.

Gusto kong sabihin sa kan'ya na okay na talaga ako.

Ayokong isipin niya na nasasaktan pa rin ako kasi baka hindi siya maging totally happy sa kasal niya.

At iyon ang pinakaayaw kong mangyari kay Rosie.

I want her to be happy, she deserves it.

"Hello, Rosie?" Sabi ko nang sagutin niya ang tawag.

"Lisa, Lisa."

Teka...

Umiiyak ba siya?

"Are you crying?!" Hindi ko maiwasang tanong sa kan'ya.

"L-Lisa, h-he cheated on me." Iyon lang at humagolhol na siya.

Nakuyom ko naman ang kamao ko.

"Sino?"

"Sino siya para lokohin ka ng gan'yan?" Bulong ko.

Rosie's POV

Papunta na ako ngayon sa condo unit ni Mark.

I want to tell him the truth kung ano ba talaga ang totoong nararamdaman ko.

I want to be honest.

I want to free myself.

Gusto kong palayain ang sarili ko sa totoong ako.

Sa kung sino talaga ang mahal at laman ng puso ko.

I'm ready to fight for her.

For my Lisa.

Bumuntong-hininga muna ako bago buksan ang condo unit ni Mark.

Alam ko naman ang password niya.

Napakunot ako sa noo nang makitang may dalawang wine glass ang mesa sa sala niya.

At nagkalat ang damit ng babae at damit niya.

Parang may mga dagang nag-uunahan sa pagtakbo sa puso ko nang makita ang sala.

Sobra ang kaba at panginginig sa buo kong katawa.

Nanginginig ang mga kamay na binuksan ko ang pinto ng kwarto niya.

At tumambad sa akin ang hubad na katawan nila ng babaeng kasiping niya.

Napatutop naman ako sa bibig ko.

"R-Rosie, Rosie it's not what you think." Sabi ni Mark saka nagmamadaling magbihis.

Hindi ko alam kung paano ko nagawang makalabas sa condo niya sa kabila nang panginginig sa buo kong katawan.

To My Number One Fan, Jennie (Jenlisa) (GXG) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon