Chapter 20: Let me be your fire

561 16 5
                                    

Jennie's POV

Nagising ako kinabukasan na wala na si Lisa sa kwarto.

Pero nakita kong may isang bag na nakapatong sa sofa.

Medyo nalungkot naman ako nang maalala na aalis siya ngayon.

Nagpaalam na siya sa akin kagabi.

Flashback

"Kailangan mo ba talagang umalis?" Bulong ko sa kan'ya.

Nakayakap ako sa kan'ya habang nilalaro niya ang buhok ko.

"I need to, Rosie needs me now. Huwag kang mag-alala, babalik din ako agad. I just want to settle the issues between us after that, babalik ako rito. One year naman ang bakasyon ko eh." Sagot niya.

"I need you too." Mahinang sabi ko.

Naiiyak na ako.

"Anyways, alam ko naman na babalikan mo ako 'di ba?" Tanong ko saka napatingin sa kan'ya.

"Of course, bakit naman hindi? Baka mamaya umeksena pa si Kai kapag hindi ako bumalik agad." Natatawang sagot niya.

Pilit akong ngumiti.

"Ako nga ang kinakabahan eh, baka kapag nakita mo siya, marealize mong siya talaga ang mahal mo at—

Hindi ko na natuloy ang sasabihin nang halikan niya ako sa labi.

It was gentle.

So gentle...

Napapikit ako saka ginantihan ang halik niyang sobrang nagbigay ng init sa buo kong katawan.

Hinawakan niya pa ang mukha ko na nagpatindig ng balahibo ko sa katawan.

Habang tumatagal mas lumalalim ang mga halik ni Lisa, hanggang sa di ko namalayan na bumaba na ang mga labi niya sa leeg ko.

Napasinghap pa ako nang maramdaman ang isang kamay niya na nakapasok na sa loob ng damit ko.

"Hmm." Napakagat-labi ako sa sobrang sarap ng sensasyon na dulot ng mga halik niya sa leeg ko.

Binuhat niya ang likod ko at napaupo kami sa kama.

Pansamantala siyang tumigil sa paghalik sa akin.

Nagkatitigan lang kami.

It seems like she was asking for my permission.

At sino ako para humindi sa kan'ya?

Isa lang ang tumatakbo sa isip ko.

Ang lyrics ng isa sa paborito kong kanta.

Now Playing: All I Ask by Adelle

All I ask is if, this is my last night with you...

Hold me like I'm more than just a friend...

To My Number One Fan, Jennie (Jenlisa) (GXG) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon