Chapter 30: Don't stop, make it drop.

535 19 4
                                    

Jennie's POV

Nag-iiyakan pa rin kami ni Hoony kahit wala na sa paningin namin ang mag-ina.

"Sige bruha sibat nako salamat sa tulong mo." Sabi ni Hoony at akmang aalis na nang hilahin ko siya sa buhok.

"Saan ka pupunta? Baka nakalimutan mo ang usapan natin?" Paalala ko sa kan'ya.

"Sino ka?! Bakit ako nandito?! Hindi kita kilala!" Nagdrama pa ang loka.

Akala siguro niya makakatakas siya.

"Gusto mo ba talagang maging evil spirit ha?" Seryosong tanong ko sa kan'ya.

Napakamot naman siya sa ulo niya.

"Amanos na naman tayo eh! Kung hindi kaya dahil sa akin baka napano ka na!" Aba't nanumbat pa.

"At baka lang nakakalimutan mo rin ang rason kung bakit ako nandoon? Hindi ba nga ikaw nag-request na tulungan si Maricar?" Paalala ko sa kan'ya.

"Oo na oo na! Kaso may problema." Napakamot na naman siya sa buhok niya.

Ito lang ata ang multong may kuto.

"Ano?" Tanong ko.

"H-Hindi ko talaga naaalala ang nakaraan ko—

"Ako ba talagang pinagloloko mo Hoony?" Galit na sabi ko.

"Totoo iyon shunga! Sa tingin mo ba talaga hindi ko gugustuhing tumawid na sa kabilang buhay?! Ang alam ko lang inagaw ng kapatid ko ang boyfriend ko tapos nabuntis siya at nagpakamatay ako. Pero sa alaala ko kasi iyong kapatid ko lang klaro kong nakikita, iyong boyfriend ko hindi. Blurry siya sa paningin ko. Gusto ko sanang hanapin muna sila kaso, noong mga panahong hindi tayo magkasama nalaman ko na matagal na silang wala roon sa dating bahay namin." Halata ang lungkot sa boses ni Hoony.

Napabuntong-hininga naman ako. Mukhang seryoso ang gaga.

"Ako ba Hoony pinagloloko mo na naman?" Tanong ko.

"Hindi talaga! Totoo ang sinasabi ko sa'yo tanong mo pa kay Maricar- ay nakatawid na pala." Sagot pa niya.

"Okay, okay. Maniniwala ako sa'yo, pero sana hindi mo talaga ako niloloko. Ayokong maging evil spirit ka." Seryosong sabi ko sa kan'ya.

"Oo naman!"

"Hon, are you ready?" Napatingin kami kay Lisa nang pumasok na siya sa loob.

"Sana all may Honey. Sige sibat nako bruha! Ang landi mo!" Bago pa ako nakasagot ay nawala na si Hoony sa paningin ko.

Natatawa na lang ako.

"A-Are you okay?" Tanong ni Lisa.

"I'm sorry Hon, kausap ko kasi si Hoony." Sagot ko sa kan'ya.

"I see, by the way send my deepest gratitude sa ginawa niya kanina. I owe her one." Nakangiting sabi ni Lisa.

Napakaganda niya talaga ngumiti.

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
To My Number One Fan, Jennie (Jenlisa) (GXG) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon