Chapter 12: She knows

485 20 0
                                    

Jennie's POV

Nang magising ako kinabukasan ay agad akong naghanda nang makakain nila Lola Afi at Lisa.

Inagahan ko talaga ang gising para hindi na kami mag-abot pa ni Lisa.

Iiwasan ko na siya.

Ayokong lumalapit lang siya sa akin dahil lang may utang na loob siya sa ginawa kong pagligtas sa Lola niya.

Mas masakit iyon para sa akin.

"Good morning hija." Napatingin naman ako kay Lola Afi nang pumasok siya sa loob ng kusina.

"Good morning Lola, breakfast na po ka'yo para makainom na ka'yo ng gamot." Nakangiting bati ko sa kan'ya.

"Ang aga mo ata nagising ngayon?" Tanong pa ni Lola Afi.

"Maaga rin po kasi akong aalis Lola, nga pala Lola magpapaalam po muna ako. May importante lang akong gagawin ngayon Lola so baka mamaya pa po ako uuwi." Paalam ko kay Lola Afi.

"It's okay hija, walang problema. Alam ko naman na sasamahan ka ni Lisa kaya panatag ako na hindi ka magugulo nang mga masasamang multo." Sagot ni Lola Afi.

"A-Ahh, ako lang po sana ang aalis Lola Afi." Nakita kong medyo naguluhan si Lola Afi.

"I mean, kaya ko na pong harapin sila gaya ng dati—

"But still I want to be there, sasamahan kita." Napatingin naman kami kay Lisa na nandito na rin pala sa kusina.

"Hindi na, okay lang talaga

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Hindi na, okay lang talaga. Bigla ko kasing naalala na nagbabakasyon ka'yo, ayokong maabala pa ka'yo. Ako na lang ang maghahanap kay Nathan. Baka kasi kaya hindi siya nagpapakita ay dahil sa positive energy na dala mo, kailangan ko lang makasiguro." Nakangiting sagot ko sa kan'ya.

"Pero—

"Okay hija, we understand." Napatingin kami kay Lola Afi nang magsalita siya.

"Thank you Lola." Pagkasabi ko non ay humalik na ako kay Lola saka sila iniwan dalawa sa sala.

Hindi ko na tinignan pa si Lisa.

"Ano iyon?" Napatingin ako kay Hoony habang palabas kami nang mansion.

"Anong ano iyon?" Nagtatakang tanong ko sa kan'ya.

"Naku bakla, huwag ako. Anong drama mo kanina sa kusina? Bakit parang umiiwas ka sa crush mo? Alam mo kung ako iyon kikiligin ako dahil gusto niyang lumalapit sa akin." Sumasayaw pa sa kilig si Hoony.

"Kung ikaw iyon, kaso hindi." Savage na sagot ko sa kan'ya.

"Ang arte ha!" Sagot pa niya.

"LQ ba kayo?" Pamimilit pa niya.

"Gusto mo bang mag-back-out ako?" Inis na sabi ko sa kan'ya.

"Sabi ko nga tatahimik na." Sabi niya saka nagpatiuna nang maglakad.

To My Number One Fan, Jennie (Jenlisa) (GXG) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon