Chapter 7: The Kiss

630 19 2
                                    

Jennie's POV

Natigilan ako sa tanong ni Lisa.

I'm at my happiest.

Bulong ng isip ko.

Masaya ako sa tuwing natutulungan ko ang mga kaluluwa noon.

At ang pinakahindi ko makakalimutan ang kaibigan kong inakala ng lahat na tinapos ang sariling buhay.

Flashback

"Hindi totoong nagpakamatay ako Bes, tulungan mo ako. Pinatay ako ng teacher natin." Sabi niya sa akin.

Halos manlumo ako sa nalaman.

Mabuti na lang at natagpuan nga ang nawawala niyang phone sa apartment ng teacher namin nang magsumbong ako sa pulis.

Ayaw pa sana nilang maniwala na nakakakita ako ng multo.

Sobrang iyak ko non nang magpaalam ang kaibigan ko.

Nasa abroad ang mga magulang niya at mag-isa lang siya.

Sobrang crush niya ang professor namin at lingid sa kaalaman ng lahat na kilalang manyakis pala ito.

Sobrang nanlumo ang mga magulang ng kaibigan ko.

Isa rin sa hindi ko malilimutang kaluluwang natulungan ko ay iyong batang binaril ng pulis dahil gumagamit daw ng droga.

Pero nalaman ko mula sa kan'ya na kaya siya binaril ng pulis ay dahil tinalo niya ang anak nito sa ML.

Iyak ng iyak ang Lola niyang tanging kasama lang niya sa buhay.

Imposible raw na gumagamit ito ng droga na halos isang beses lang sila kumakain sa isang araw at lagi pa nga raw nangungupit ng limang piso sa kan'ya ang apo para may panglaro sa internet shop ng mobile legends.

Sa huli ay nahuli ang pulis sa tulong ko.

Dahil naging witness din ang kasama niyang pulis na nandoon sa eksena. Hindi ito pinatahimik ng batang natulungan ko.

Halos madurog din ang puso ko nang masaksihan ang pamamaalam niya sa kan'yang lola.

End of Flashback

"Hmm, want to make a deal?" Natigilan ako sa malalim na pag-iisip sa nakaraan saka napatingin kay Lisa.

"Po?" Tanong ko.

"What? Po? Grabe ka talaga sa akin. Ilang taon ka na ba?" Napakamot naman ako sa ulo.

"Sorry. I mean, anong sinabi mo?" Tanong ko sa kan'ya.

"I said let's make a deal. Parang gusto kong maexperience once in my life na makakita ng taong kayang tulungan ang mga hindi pa maka rest in peace na kaluluwa. Kung hahayaan mo ako na makita kung paano mo sila tulungan, kahit isang kaluluwa lang ang tulungan natin then I'll help you get rid of your third eye." Nakangiting paliwanag niya.

At heto naman ako.

Na-aamaze sa maganda niyang ngiti.

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
To My Number One Fan, Jennie (Jenlisa) (GXG) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon