Chapter 16: Jealous Lili

537 22 5
                                    

Jennie's POV

"She had some heart problem na hindi niya sinabi sa akin. Then nung nanganak siya, ewan. Masyadong mabilis ang pangyayari, nagising na lang ako wala na silang dalawa." Nakayukong sabi ni Kai.

Nasa dalampasigan kami ngayon.

Tahimik lang akong nakikinig sa mga kwento niya.

"But I'm fine now, it's been a year. And I guess, unti-unti nang nagheheal ang sugat sa puso ko." Nakangiting sabi niya.

"Ang plastik ng ngiti mo." Nakangising pang-aasar ko sa kan'ya.

Tumawa naman siya.

"Alam na alam mo pa rin kapag nagsisinungaling ako." Sabi pa niya.

"Of course! Nasa tiyan pa lang tayo ng mga nanay natin nakatadhana na tayong maging magkaibigan habang-buhay." Nakangiting sagot ko sa kan'ya.

"Sayang nga eh at hindi tayo nagkatuluyan, I'm sorry Jen at naging multo ako. Sorry kung ghosted ang kinalabasan nang relasyon natin before." Seryosong sabi niya.

"Kai, you know me 'di ba? Basta pagdating sa'yo malaki ang pagpapatawad at pag-iintindi ko. Naalala mo iyong hula ni Lola sa atin na hindi tayo para sa isa't-isa, pero pinilit pa rin natin. And we ended up hurting each other." Sagot ko sa kan'ya.

"Yeah, I ended up hurting the most precious person in my life." Sabi niya habang hindi inaalis ang mga titig sa akin.

Hindi gaya kanina, ngayon eh kumikislap na ang mga mata niya.

"So, what's up with you? Are you married now? Nakakakita ka pa rin ba ng mga multo?" Tanong pa ni Kai.

"Yeap, nakakakita pa rin ako ng mga multo pero hindi pa ako kasal." Natatawang sagot ko.

"Boyfriend? Don't tell me mahal mo pa rin ako at inaantay mo ang pagdating ko?!" Pang-aasar pa nang mokong.

"Hindi no! Asa ka pa! Let's just say, may nagpapasaya sa puso ko ngayon." Nakangiting sagot ko.

"Ouch naman! Akala ko pa naman I still have the chance." Natatawang bulong niya.

"Wala na, because I now exist in her life." Napatingin kami sa nagsalita.

"Lisa

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Lisa." Bulong ko.

Hindi ko alam kung ano ba itong nararamdaman ko.

"L-Lisa Manoban? Ikaw nga?!" Excited na napatayo si Kai saka hinawakan ang kamay ni Lisa.

"My wife, my wife is your number one fan!" Tuwang sabi ni Kai.

Nakalimutan ko sobrang sikat ni Lisa kaya imposible na hindi siya kilala ni Kai.

Sikat ng Lisa ko.

Wait? Did I just said Lisa ko?

Parang kinilig naman ako sa naisip.

To My Number One Fan, Jennie (Jenlisa) (GXG) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon