Jennie's POV
Naglalakad na kami ngayon papunta sa bahay nila Maricar.
"Salamat bruha ha at may utang na loob na naman ako sa'yo." Nakangising sabi ni Hoony habang naglalakad kami.
"Hindi 'to libre remember? Baka nakalimutan mo, kakausapin mo na ang kapatid mo." Paalala ko sa kan'ya.
Napakamot naman siya sa ulo niya.
"Sinabi ko ba iyon?" Hirit pa ng mokong.
"Gusto mong huwag na tayong tumuloy?" Babala ko sa kan'ya.
"Ito naman hindi mabiro!" Pigil niya nang akmang babalik ako sa dinaanan namin.
"Alam mo Jennie hija, malaki ang pasasalamat ko at tutulungan mo ako." Sabi ni Maricar.
Isang matamis na ngiti ang binigay ko sa kan'ya.
"Wala kasi akong ibang gusto kundi maka-rest in peace na ka'yo ni Hoony ng tuluyan." Diniinan ko pa ang pagkasabi ko sa pangalan ni Hoony.
Nag-pout paa ng bruha akala mo naman kinaganda niya.
"Nandito na tayo." Napatingin ako isang bahay kung saan kami huminto.
"Sige po, kakatok na ako." Sabi ko saka nagpunta na sa may pinto nang bahay.
Matagal din bago ako binuksan ng lalaking hindi ko inaasahang makikita sa loob.
"H-Hindi ba ka'yo ang ama ni Nathan?" Tanong ko.
Muli ko namang tinignan ang bahay na kinatukan ko.
Iba ito sa bahay na pinuntahan namin kung saan nakaburol si Nathan.
"Siya ang asawa ko." Napatingin ako kay Maricar.
Natutop ko naman ang bibig ko.
Kung ganon..
Kung ganon siya ang ina ni Nathan?!
Biglang kumirot ang puso ko sa nalaman.
"Anong maipaglilingkod ko sa'yo? Ikaw iyong nakakita sa katawan ng anak ko 'di ba?" Tanong niya.
Hindi ako nakasagot agad.
Paano ko sasabihin sa kan'ya na wala na rin ang asawa niya?
"Jennie, may problema ba?" Bulong ni Hoony sa akin.
"Pwede po ka'ya kayong makausap sandali?" Sa halip ay tanong ko sa ama ni Nathan.
"Oo naman, hali ka pasok ka sa loob." Sabi niya saka ako pinapasok sa loob.
"Nagtataka ka siguro kung kaninong bahay 'to, isa ito sa mga bahay na nakapangalan sa asawa ko. Hindi ko kasi kayang matulog doon sa bahay namin dahil naaalala ko lang si Nathan, hanggang ngayon hindi ko pa rin alam kung nasaan ang asawa ko." Malungkot na sabi niya nang makapasok kami sa loob.
BINABASA MO ANG
To My Number One Fan, Jennie (Jenlisa) (GXG) COMPLETED
FanfictionLisa from a famous girl group Blackpink is secretly in love with her co-member and best friend, Rosé. She was willing to give it all and confess to Rosé, not until the latter said that she was getting married! And so being devastated and broken-he...