Chapter 37: Jenlisa Day

436 14 0
                                    

Flashback

Masaya si Hoony dahil makikita na niya ulit ang boyfriend after a week.

Bigla kasi itong nagpaalam sa kan'ya na may pupuntahan lang itong importante sa Manila.

Hindi sana niya papayagan kasi alam niya na masama ang bumiyahe kapag ikakasal ka na.

Napangiti ako nang maalalang ikakasal na ako.

Nagpunta ako ng palengke saka namili ng mga paborito niya.

Ipagluluto ko siya kasama si Haany— my twin sister.

Siya lang kasi ang kasama ko sa buhay.

Nagulat ako nang makitang nasa labas na ng bahay ang sapatos ni Gray.

Nandito na ba siya?

Dali-dali akong pumasok sa loob.

Akala ko pa naman makakapagluto pa ako bago pumasok sa loob.

Hindi ko pa naman nasabihan si Haany dahil hindi ako nakauwi kagabi.

Sinamahan ako ng mga kaibigan kong babae sa hinanda nilang small party bago ako magpakasal.

Pumasok na ako sa loob para lang magulat nang makita kong nagkalat ang mga damit sa sala.

Nakaramdam agad ako ng matinding kaba.

Napatingin ako sa pintuan ng kwarto namin.

Hindi ko alam kung paano ako nakarating doon habang grabe ang panginginig ng buo kong katawan.

Mali.

Sana mali ang iniisip ko.

Pero napahawak ako sa bibig ko nang makita si Gray at Haany na hubo't-hubad sa kama.

"M-Mga hayop ka'yo." Gusto kong sumigaw.

Pero nawalan ako nang lakas ng loob.

"H-Hoony, Hoony!" Tawag sa akin ni Haany nang makita ako pero agad na akong umalis sa lugar na iyon.

"Baby, please, please baby let me explain." Habol sa akin ni Gray pero isang sampal ang dumapo sa kan'ya.

"Bakit! Bakit ang kakambal ko pa!" Sigaw ko sa kan'ya.

Mabuti na lang at isolated ang lugar namin.

Hindi kami maririnig ng mga chismosang kapit-bahay.

"I-It was a mistake! Akala ko ikaw ang katalik ko! I was drunk baby please!" Puno ng pagmamakaawa ang mukha niya.

Pero hindi ko siya kayang patawarin ngayon.

Pinili kong umalis at kanselahin ang kasal namin.

Bigla na lang akong nawala sa buhay nila.

Nang tanggap ko na ang nangyari at willing na akong patawarin sila.

Nalaman kong nabuntis niya ang kakambal ko.

"Hindi ko siya pananagutan, ikaw ang mahal ko Hoony, please take me back!"

"Are you crazy?! Pagkatapos mong buntisin ang kakambal ko hindi mo pananagutan ang bata?!" Sigaw ko sa kan'ya.

To My Number One Fan, Jennie (Jenlisa) (GXG) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon