Jennie's POV
"Anong meron?" Tanong ko nang makaupo na kami sa mesa.
"Well, I just want you to remember this date. Today, I'm officially yours. Aantayin ko na lang kung kailan mo sasabihin na officially you're mine too." Nakangiting sabi ni Lisa.
Napangiti naman ako lalo nang makita ang saya sa mukha niya.
"I'm officially yours." Nakangiting sagot ko sa kan'ya.
Mas lumapad naman ang ngiti niya.
"Did I heard it right?" Tanong pa niya.
"Oo nga po, sa'yong-sa'yo na ako. I Jennie Ruby Jane Kim, is officially yours." Nakangiting sabi ko sabay hawak sa pisngi niya.
Hinawakan naman niya ang kamay kong nakahawak sa mukha niya saka iyon hinalikan.
Pero mas nagulat ako nang may nilabas siyang isang sing sing.
It was a diamond ring.
Sinuot niya sa akin iyon habang nagsasalita.
"Binili ko ito noong nagpunta ako sa Thailand, sinabi ko sa sarili ko na ibibigay ko 'to sa babaeng mamahalin ko habang buhay. And I thought it was Chae, but then God give me you. Thank you for coming into my life Nini, I love you."
She looks at me nang sabihin niya ang katagang "I love you."
At ito na naman ang mga luha kong nag-uunahan sa pag-agos.
"Grabe, ganito pa lang ginawa ko umiiyak ka na. Paano pa ka'ya kapag nagpropose ako sa'yo?" Tinawanan pa niya ako pagkatapos niyang sabihin iyon.
"Pwede ba stop acting cute. Mas lalo akong naiinlove sa'yo, Hon." Nakita ko ang gulat sa mukha niya nang tawagin ko siyang "Hon."
"Wait, teka. Tama ba ang narinig ko? Did you just called me Hon?"
Tumango naman ako.
Tumayo naman siya saka ako niyakap.
"I love you, Hon." At nang humiwalay siya sa pagkakayakap sa akin ay hinalikan naman niya ako sa labi.
Mabilis lang iyon pero nanindig ang lahat ng balahibo ko sa katawan.
"So tell me Hon, ngayon ka lang ba na attract sa kapwa mo babae?" Tanong ni Lisa.
Saka naman ako biglang napaisip.
Actually, hindi ito ang unang pagkakataon. Noong teenager pa ako, na attract ako sa kapwa ko babae.
Sobrang ganda niya.
Akala ko nga lalaki siya eh dahil short hair kaso nalaman kong babae pala siya.
Sandali ko lang din siyang naging classmate kasi isang araw bigla na lang siyang nawala.
Walang nakakaalam kung nasaan na siya ngayon.
Ikukwento ko na sana iyon kay Lisa nang bigla kaming makarinig ng sigaw.
"Ma'am! Ma'am si Lola Afi po nawalan ng malay!" Napatingin kami kay Gray na sumisigaw sa di kalayuan.
"What?!" Sabay pa kaming napatayo ni Lisa.
Tumakbo naman kami agad papunta sa mansion.
Lisa's POV
Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko habang nag-aantay kami sa labas ng emergency room.
"Lord please, no." Bulong ko.
Halos maiyak na ako sa sobrang kaba.
"Hon, calm down." Mabuti na lang nandito si Jennie.
BINABASA MO ANG
To My Number One Fan, Jennie (Jenlisa) (GXG) COMPLETED
FanfictionLisa from a famous girl group Blackpink is secretly in love with her co-member and best friend, Rosé. She was willing to give it all and confess to Rosé, not until the latter said that she was getting married! And so being devastated and broken-he...