Chapter 45: If it's meant to be, it will be.

518 16 4
                                    

Flashback (Lisa's POV)

"So class next week dapat iperform niyo by pair ang sayaw na pinili ko okay?" Sabi ng teacher namin.

Medyo nalungkot naman ako.

Sino ba naman kasing gustong makapareha ang isang introvert na kagaya ko?

Nagtulug-tulogan na lang ako sa desk habang busy ang lahat sa paghahanap nang makakapareha.

Inangat ko naman ang mukha ko nang may kumatok sa mesa ko.

Nakita ko ang babaeng lagi kong kinukuhanan ng picture.

Kasi wala lang, she's just so cute.

"Wala akong mahanap na partner eh, pwede bang ikaw na lang?" Napalunok naman ako.

Talaga bang gusto niya akong makapareha?

She's very jolly.

I'm sure marami ang gustong makapareha siya.

"W-Why me?" Tanong ko.

"Nakakapagsalita ka pala?" Sabi niya saka natawa.

I rolled my eyes.

Binagsak ko ulit sa desk ang mukha ko.

"Joke lang 'to naman! Sige na." Muli akong napatingin sa kan'ya.

"If you're just going to make fun of me, please leave me alone."  Seryosong sabi ko.

"Grabe ka naman, hindi ba pwedeng gusto lang talaga kitang makapareha?" Sige kung ayaw mo madali naman ako kausap, kaso nga lang wala na talagang available. No choice ka na talaga." Sagot niya.

Napabuntong-hininga naman ako.

After class ay nagpractice na kaming sumayaw.

Hinahayaan ko lang siya na gumawa ng steps.

Nakaupo lang ako sa ilalim ng mangga habang sumasayaw siya.

Palihim naman akong natatawa.

Hindi siya ganon kagandang sumayaw.

Pero konting practice pa.

"Kaya mo iyan." Sabi ko.

Napa-roll eyes naman siya.

"Kung sana tinutulungan mo ako eh di sana mas maganda eh no?" Inis na sambit niya.

Napatayo naman ako.

"Mali kasi ang ginagawa mo." Sabi ko sa kan'ya.

Napa-roll eyes na naman siya.

"Wow, makapagsalita ka akala mo ang galing mong sumayaw ha? Sige nga, show me what you got."  Napa-smirked pa siya.

"You should first close your eyes, and feel the beat. Let your body move and sway on it's own. Feel it, just feel it." I said while doing the action.

Nakapikit ako habang sumasayaw sa magandang tugtugin.

Nang matapos ang kanta ay tumingin ako sa kan'ya.

"W-Wow." Hindi makapaniwalang sabi niya.

"Now, can we start the practice for real?"  I said.

To My Number One Fan, Jennie (Jenlisa) (GXG) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon