Chapter 2: Cutie

693 28 1
                                    

Lisa's POV

Nagising ako kinagabihan nang makarinig ako ng sigaw mula sa kung saan.

Napabalikwas naman ako nang bangon.

Bigla akong kinabahan.

Sporty akong tao at magaling sa boxing.

Nilakasan ko ang loob ko at dahan dahang lumabas ng kwarto.

Bigla namang naging tahimik ang buong bahay.

Slowly, bumaba ako nang hagdan.

Nasa first floor ang kwarto ni Lola Afi at iyon ang una kong pinuntahan.

She's sleeping fine.

Sinara ko ang pinto at nagtungo sa kusina.

Nakita ko si Jennie na nakaupo at nanginginig ang buong katawan.

"Are you okay?" Tanong ko sa kan'ya.

Pero hindi siya sumasagot.

"Hey." Dahan-dahan siyang tumingin sa akin saka biglang sumigaw.

"Waaaaah!" Dali-dali akong tumakbo papunta sa kan'ya saka hinawakan ang mga kamay niya.

"Saan! Saan ang magnanakaw?!" Sabi ko saka nagpalinga-linga.

Ramdam ko ang panginginig niya.

Nagulat ako nang magpalinga-linga siya sa paligid.

"W-Wala n-na." Umiiyak niyang sagot.

"Anong nangyayari?!" Napatingin kami kay Lola Afi.

Nandito na rin si Gray.

"I went down here lola after ko narinig na may sumigaw. Gray, check the area baka may magnanakaw."

"Yes—

"No need dear." Nagulat ako sa sinabi ni Lola. Lumapit naman siya kay Jennie saka ito niyakap.

"It's okay. It's okay." Bulong ni Lola.

"L-Lola." Napahagulhol na ito sa kan'ya.

Nakakunot lang ang mga noo namin ni Gray.

"Nakakakita siya ng multo dear Laliz." Nagulat ako sa sinabi ni Lola. Nakatulog na si Jennie.

Ako na ang naghatid kay Lola sa kwarto niya.

"Lola naman, naniniwala ka—

"You saw her earlier 'di ba? At alam mo naman na dati akong albularyo. And I can tell dear, she's definitely telling the truth." Paliwanag pa ni Lola.

Napabuntong-hininga naman ako.

Tama naaalala ko noon laging mataas ang pila sa bahay ni lola. Maraming naniniwala sa galing niya bilang isang albularyo.

"Masyadong malaki ang negative energy sa katawan ni Jennie, she needs someone na may positive—

Bigla naman natigilan si Lola Afi nang parang may naalala siya.

"Lola? May masakit po ba sa'yo?!" Pag-aalalang tanong ko.

"Oh dear! Ngayon ko lang naalala, you are born with so much positive energy." Napataas naman ang isang kilay ko kay Lola.

Hindi ko gets kung ano ang gusto niyang ipoint out.

"What do you mean?" Tanong ko.

Ngumiti naman siya.

"Kakausapin ko muna si Jennie apo, maybe I was just wrong. Ramdam ko na mahina ang positive energy mo ngayon, dahil siguro broken hearted ka." Natatawang pang-aasar pa nito sa kan'ya.

To My Number One Fan, Jennie (Jenlisa) (GXG) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon