Jennie's POV
Papasok na ako sa kwarto nang magtama ang mga mata namin ni Lisa na kakababa lang nang hagdan.
Agad din siyang nag-iwas ng tingin saka nagpaunang pumasok sa loob ng kwarto ko.
"Okay ka lang ba?" Hindi ko alam kung bakit iyon ang unang lumabas sa bibig ko.
Medyo kinakabahan ako sa seryoso niyang mukha.
"Oo naman, bakit naman hindi?" Sabi niya saka napatingin sa akin.
Hindi ko alam pero pakiramdam ko galit siya sa akin.
Kitang-kita sa mga mata niya.
"K-Kasi, kasi hindi natin hinanap si Nathan?"
Napapikit ako sa sinabi ko.
Anong klaseng rason iyan Jennie Kim?
"Alam mo, hanapin man natin o hindi si Nathan it's not really my business right? Tama na siguro iyong mga natulong ko sa'yo para masuklian ang ginawa mo kay Lola. I mean, you don't need me anymore. You can just asks Kai for help kung kailangan mo ng tulong." Hindi tumitinging sabi niya.
"Nagseselos ka ba kay Kai?" Hindi ko alam kung bakit ako nagkaroon ng lakas ng loob na sabihin iyon.
Hindi naman siya nakasagot agad.
"I'm sorry, ano ba itong iniisip ko. Sige magpahinga—
"Paano kung sabihin kong oo?" Putol niya sa sasabihin ko pa sana.
Napakagat-labi naman ako sa sinabi niya.
"I told you don't do that." Walang ganang sabi niya.
Napayuko naman ako.
"Wala naman akong karapatan 'di ba? Kasi I'm just some random idol you like. But you will never see me as someone you will spend your life with. Kasi lalaki lang ang gugustuhin mong makasama habang-buhay, at si Kai iyon." Parang may kung anong kumirot sa puso ko nang marinig ang sinabi niya.
"Lisa." Bulong ko.
"C'mon, let's just stop. Matulog na tayo, maaga pa ang flight ko bukas."
Napatingin ako sa kan'ya nang sabihin niya iyon.
Saka ko lang napansin na nag-iimpake siya.
"F-Flight? Aalis ka na?" Hindi ko mapigilan ang sariling tanong.
"Yea, maybe you should stop looking for Nathan kapag hindi mo day-off. Kailangan ka ng Lola ko, pakialagaan mo na rin sina Leo, Luca, and Lily. Babalik si Gray dito para sunduin sila." Hindi tumitinging sabi niya.
Hindi ko mapigilan ang luha ko sa pag-agos nang malaman ang pag-alis niya.
Ganito ba talaga siya?
BINABASA MO ANG
To My Number One Fan, Jennie (Jenlisa) (GXG) COMPLETED
FanficLisa from a famous girl group Blackpink is secretly in love with her co-member and best friend, Rosé. She was willing to give it all and confess to Rosé, not until the latter said that she was getting married! And so being devastated and broken-he...