Oct/15/2021 8:54 pm
PROLOGUE:
Ang bilis ng pangyayari. Paggising ko nasa tabi ko na sya. Nakaunan ako sa mga braso nya. Nakapikit ang mga mata nya. Mahina syang humihilik. Mukhang pagod.
Napangiti ako. Hindi ko lubos maisip na ibibigay ko ang sarili ko sa kanya.
Ni sa pangarap ko hindi ko inaasahan na mangyayari ito.
Isang superstar? Isang sikat na artista ang ngayon nasa tabi ko. Ang nahawakan ko at naramdaman. Ang nakahiga habang tanging kumot lang ang nakatapis sa aming katawan.
Oo may nangyari sa amin kagabi. Ibinigay ko ang sarili ko sa kanya. Ito naman ang hinahanap ko diba? Ang maangkin sya, ang maramdaman sya. Ang mayakap sya ng kusa. Ang mahalikan sya at maipadama ang nararamdaman ko sa kanya.
Hindi ko naman hinihingi ang mahalin nya . Ang gusto ko lang ay ang makasama sya at bigyan nya ako ng oras kahit panandalian lang.
Hindi ko sya inaangkin. Hinihiram ko lang ang mga oras na libre sya. Na pwede sya. I'm not asking for more. Maibigay naman kaya nya sa akin iyon?
At this time, I have to accept the consequences that I might've been faced on. The pain, the sorrow and maybe hurtful words that he might said but Atleast, naging masaya naman ako.
Bigla syang gumalaw sa tabi ko. Inusog nya ako bigla palapit sa kanya at niyakap ang kamay nya sa bewang ko.
Napangiti ako. Para syang bata na nakakawit sa akin. Ang laki nyang tao na nakayakap sa bewang ko. Naalala ko tuloy ang mga nangyari sa amin kagabi.
*FLASHBACK*
"I like you"
Hindi ko alam saang banda ko hinugot ang lakas ng loob ko na sabihin iyon sa kanya.
"What?" Nagulat sya sa sinabi ko.
Alam kong lasing sya at hindi ako dapat nagte-take advantage sa kanya sa ganitong pagkakataon pero bugso ng damdamin. Hindi ko mapigilan ang sarili ko.
"G-Gusto kita.."napakagat ako ng labi.
Napatigil sya bigla at napatingin sa akin. "Gusto mo ko? Eh di Thank you.." ngumisi sya sa akin. "I'm glad that you were one of my fan."
Akala nya siguro yung pagkagusto ko sa kanya ay parang isang FAN lang but this is beyond to that.
"Hindi, hindi kita gusto as a fan lang. GUSTO KITA bilang isang la..lalake.." nautal pa ako. Kumakabog ang puso ko.
Nakatitig lang sya sa akin medyo tipsy ang mukha nya.
"I like you doesn't mean that I am into you, doesn't mean asking you for a relationship, doesn't mean giving me time, effort and even love, doesn't mean forbidding you to do everything. I like you and being with you is enough for me." Para akong nagrerecite ng poem sa harap ng teacher.
Nakatitig lang ako sa mga mata nya habang sinasabi ko iyon. Naiisip ko kasi na hindi na mangyayari ang mga sandaling ito. One time big time ika nga nila kaya grab the opportunity.
Napatigil sya at nakita ko na kumunot ang noo nya. Parang hindi sya makapaniwala sa mga lumabas sa bibig ko.
"A-Are you confessing me now?" He scoffed. Lasing na lasing ang boses nya. Half eyed pa sya habang nakatingin sa akin.
BINABASA MO ANG
MY HEAVY HEART! 💔
RomanceChristopher Madrid, a superstar Idol who has been very successful from the very beginning. Despite being a full-blooded Korean, he grew up in the Philippines. He didn't know his parents, but a Filipino couple took care of him. Shana Pineda is an ave...