PART 9- NO TIME? THAT'S FINE, AS ALWAYS

17 1 0
                                    

Feb/16/2022- Wednesday



PART 9- NO TIME? THAT'S FINE. AS ALWAYS.


Ibinaba ko na celpon ko matapos na mag-usap kami ni Amir. Nagulat pa ako ng biglang tumunog ulit ang CP ko at akala ko si Amir parin kasi 30 minutes siguro na kaming nag-uusap. Tiningnan ko kung sino at napasinghap ako ng makita ko ang number ni Chris na lumitaw sa screen ng cp ko.


Namamalikmata ba ako? Pero hindi tumatawag talaga sya. Hindi ko alam kung sasagutin ko ba o hindi pero dahil syempre miss ko na sya at bugso ng damdamin. Sinagot ko ang tawag nya. Kinakabahan pa ako. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Parang may bikig ang lalamunan ko.

"H-Hello?"


[Shanns,] unang sambit nya. Pagkarinig ko palang ng boses nya ay parang ice cream na natunaw ang protesta sa puso ko. Iba parin pala ang epekto nya sa akin.

"C-Chris?"


[Shanns nasaan ka?] wala man lang pangungumusta sa akin? Tsh!


"Dito sa *****"sagot ko.


[what? Nandito ka sa ***? Why didn't you tell me?] wow huh? Paano ko naman masasabi sa kanya kung saan ako kung bawal ko naman sya tawagan?


[are you following me?] Hindi makapaniwala nyang tanong.

Ngumiti ako ng mapait. "At kailan pa ako sumunod sayo? *walang imik* at saka hindi ko naman Gawain 'yon. Nandito ako kasi dito ang probinsya namin."gago! Kahit gaano pa kita kamahal hindi ko gawain na magsunod sunuran sa kanya na parang stalker.

[aaahh, sorry, nagulat lang ako. Hindi ko naman alam kasi na dito probinsya mo. Nagbakasyun ka ba?] paano mo naman malalaman eh hindi ka nga interesado na malaman.

"Ok lang, oo, bakasyon saka Graduation kasi ng kapatid ko bukas. Ikaw bakit nandito ka?"


[this is our location for shooting. anyway, nandito ka narin lang, why don't we meet?] I know that tune. It seems with excitement.

Tiningnan ko iyong mga kapatid ko at pinsan na nagdedecoration para sa graduation ni Shaina. "Hindi pwede, busy ako sa paghahanda ng graduation ng kapatid ko bukas, sorry." I know magandang chance to para magkausap kami about these past weeks. I know I'm longing for him but wrong timing eh. Hindi ko alam ano ang idadahilan ko sa pamilya ko lalo na kay Nanay.

[I missed you Shanns, I wanted to see you right now, send me your location at Pupuntahan kita.] I know that 'missing' means at para unti-unting naglalambot ang puso ko sa sinabi nya.

"Hindi nga pwede! Eh Kung may makakita sayo dito? Ano nalang iisipin nila?" Tinataya nya ang reputasyon nya at ganun din ako.

[I can manage, Magpaalam ka lang and guve them some alibi, mabilis lang 'to mag-uusap lang tayo.] mag-uusap? Nagpapatawa ba sya? Pero deep in my heart. May konting excitement akong nararamdaman.

Kahit nagtatampo ako sa kanya hindi parin mawawala na namimis ko sya. Pumikit ako ng mariin at nag-isip. This is a good chance for both of us. Makakausap ko sya. Sige na nga.  "okay, pero mag-uusap lang tayo huh?" At saka wala namang motel or hotel dito para alam mo na. Kaya Safe. Wala kaming mapupuntahan.

[oo nga, paalam lang ako sa manager ko huh? Bye see you.] at pinatay na nya ang phone.

Alas 9 na ng gabi at iniisip ko ano irarason ko ki nanay.  Ano naman kaya sasabihin ko? Isip-isip Shanna. Ilang minuto rin akong ganun ng mapagpasyahan kong pumasok nasa loob. Nagpaalam na ako kilala nanay na may kikitain lang akong kaibigan na bagong dating galing maynila din. Nung pumayag sya, sinabi ko nasa ibang kapatid ko at pinsan. Hindi na sila nagtanong pa kasi hindi naman sila mag-iisip ng kung ano sa akin. Eh alam mo na, kilala na nila ang pagkatao ko.

MY HEAVY HEART! 💔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon