June 9, 2024
PART 18- UNEXPECTED
SHANNA'S POV
"What's this?" Turo ng isang matandang lalake sa pagkain na nasa table.
"Buchi po sir at ito po ay vegetable lumpia and chicken lumpia po."
"I would like to taste that." Sabi nya na mukhang masaya sa pagkain na nakikita. Malaki kasi ang katawan at feeling ko pagkain ang kaligayahan nya.
"Gusto nyo pong tulungan ko na po kayo?" Pagyaya ko kasi mukhang di na kakasya sa dalawang plato na hawak nya.
Ngumiti sya ng ubod tamis. "Thank you Miss Ganda. Bring me this and this and this (turo nya sa mga putahe) to that table." Nginuso nya sa akin ang table kung saan sya nakaupo. May mga ibang guest doon na nakaupo na.
"Okay, po..."
"Thank you.."sagot lang nya sa akin saka umalis na at naglakad patungo sa table na iyon.
Kumuha ako ng plato at nagsimula ng kumuha ng mga pagkain na tinuro nya kanina. Inayos ko na rin ang ibang pagkain na medyo nahalo dahil sa ibang guest na kumukuha ng pagkain.
Nakatalikod ako mismo sa mga tao ng may bigla akong naramdamang nakatayo sa likod ko.
"Miss.."
"Ah Yes po Sir..."sagot ko bago ako pumihit para makaharap sa kanya. Agad na napalaki ako ng mga mata ng makita ko kung sino ang nasa harap ko. Nanigas ang buong katawan ko.
Napasinghap ako ng magkasalubong ang mga mata namin. Nagkatitigan Kami.
*dug!dug!dug!*
Biglang bumilis ang tibok ng puso ko ng mapagtanto ko kung kaninong mga mata ito.
"C-Chris?" Gulat na gulat na sambit ko. Hindi ko inaasahan ito. Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa kinatatayuan ko.
Anong ginagawa nya dito? Bakit sya nandito?
"Shanna."
Muntik na akong matumba ng marinig ko na tawagin nya ang pangalan ko.ilang taon ko ring hindi narinig ang boses nya na tumawag sa pangalan ko.
"Shanna.."lumapit sya sa akin kaya napaatras ako. Nagulat sya sa tinuran ko.
"A-aah c-chris..a-anong ginagawa mo dito?" Pinipilit kong ngumiti sa kanya. Pinakalma ko ang sarili ko.
"This is my ate's party."
"A-Ate? Ate mo si Ma'am Courtdey?"
"Yeah.."sabay na tumango sya.
Bigla kong naalala yung sinabi ni Diana sa akin kanina na may artista daw na kapatid si Ma'am Courtdey at pupunta daw iyon ngayon.
Napasinghap ako at agad na napatingin sa kanya.
"I-Ikaw iyong artista na kapatid nya?" Parang luluwa na mga mata ko sa kanya.
"Yeah.."
Nahigit ko hininga ko. Dyos ko! Wala sa isip ko na pwedeng sya ang artista na sinasabi ni Diana. Hindi ko inaasahan 'to. Sa dami ba naman kasing artista ang pwedeng maging kapatid ni Ma'am Courtdey bakit sya pa?
Ang liit talaga ng mundo. Hindi ko talaga inaasahan 'to. Hindi man lang ako nakapaghanda sa reaksyon ko.
"S-Shanna, kumusta kana?"

BINABASA MO ANG
MY HEAVY HEART! 💔
RomantizmChristopher Madrid, a superstar Idol who has been very successful from the very beginning. Despite being a full-blooded Korean, he grew up in the Philippines. He didn't know his parents, but a Filipino couple took care of him. Shana Pineda is an ave...