PART 24- A FAN DONNA

0 0 0
                                    





PART 24-  A FAN DONNA

***SATURDAY

Wala akong pasok ngayon, hindi kasi steady ang off namin kung ano nalang gusto ng supervisor namin. Nakakainis pero ayoko ng magreklamo dahil alam kong tatarayan lang niya ako.

Pupunta pala ako sa bahay ni Nanay kasi bibisitahin ko sila. Namimiss ko na ang mga anak ko. Isang linggo ko rin sila di nakita.

Susunduin pala kami ni Sir Gio. Kami nalang daw ang pupunta doon kasi miss na rin daw nya ang kambal at ang isa pa, makikilala rin nya ang nanay. Parang date na rin daw yun para sa kanya kasi makakasama nya ang pamilya ko.

Itong si Shaila naman, kung makatingin sa akin parang diko mabasa. Nakatingin sya ng makahulugan.

"Ikaw Ate, ano ba talaga?" Tanong nya habang humihigop ng kape. Nag-aalmusal pala kami sa umaga. Kape, isang supot ng bihon pancit at pandesal.


"Anong ano ba?" Humigop din ako ng kape ko at kumuha ng isang pandesal, hinati ko ito sa gitna at naglagay ng bihon sa loob nito saka kinagat. Ang sarap!




"Meron na bang namamagitan sa inyo ni Sir Gio?" Tiningnan nya ako ng makahulugan.


"Wala ah, kaibigan ko lang sya.."

Tumingin sya na parang di naniniwala.


"Totoo nga," napatawa ako


"Kung ganun bakit sya ang maghahatid sa atin sa bahay ni nanay?" Curios na tanong nya sa akin. Napatingin ako sa kanya.

"Sis, kelan ka pa nagkaroon ng pakialam sa paligid mo?" Pabalik kong tanong sa kanya. Sa lahat kasi ng kapatid ko, bukod tanging si Shaila lang talaga ang subrang tahimik. Sya yung uupo lang sa tabi at makikinig sa nasa paligid nya. Observant syang tao. Hindi sya iyong magagalit agad sa isang tao. "Lalo na sa buhay ko?"



"Hmm, sino naman iyong lalake nung isang gabi?" Hala! Puno na ng kyorosidad ang mukha nya.



"Ikaw talaga, wag mo na itanong ang mga iyan." Sagot ko nalang saka umiwas ng tingin. "Ang atupagin mo love life mo.. anong edad ka na ba? Dapat sa ganyan edad may crush kana? Babae ka ba talaga shaila?"


"Tsh! Wala akong ganyan Ate, hindi ko iyan naiisip pa.. pero wag mo ngang iniiba ang usapan. Bakit nga ba huh? Bakit ba sya ang maghatid sa atin kila nanay? Bakit hindi iyong lalake nung isang gabi? Sino ba iyon huh? Bakit ka umiyak? Ano mo ba sya? Ano ba sya sa buhay mo?"


Napatingin nalang ako sa kanya habang nakanganga. Hindi ako makapaniwala? Kelan pa sya ganito? Hindi ito si Shaila. Hindi sya ganito. Humalukipkip syang nakatingin sa akin. Naghihintay ng sagot ko.

"Shaila, kailan ka ba nagkaroon ng kuryosidad sa buhay ko?" Tumaas ang kilay ko.




"Hmm, nung makita ko iyong lalake nung isang gabi..sino ba iyon? Hindi kita tinanong nung gabing iyon kasi gusto ko muna na bigyan ka ng oras. Mukha kasing ang laki ng epekto ng presensya nung lalake sa iyo, nung gabing iyon lang kita nakita na umiyak ng ganun."


Napakagat ako ng labi. Totoo, hinayaan lang nya akong umiyak.


"Kahit hindi mo sabihin ate alam kong may nakaraan kayo nung lalake kasi hindi ka iiyak ng ganun kung wala."



"Sabihin mo ate sya ba ang tatay ng kambal?" Nagulat ako. Napasinghap sa tanong nya. Hindi ko akalain na maisip nya iyon. Matalino nga itong si Shaila kaya nga agad syang nakahanap ng trabaho pagka graduate nya eh.

MY HEAVY HEART! 💔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon