PART 10- UNEXPECTED CIRCUSTANCES

17 1 0
                                    

Feb/20/22 Sunday

PART 10

The graduation went well kahit feeling ko bothered ako sa nangyari kanina with Chris. I feel cheating on him kahit hindi naman at nung pauwi na sila. Kinausap ko si Amir.

"Sorry sa mga kapatid ko. Ikaw pa pinagdiskitahan nila."awkward smile.

Ngumiti sya."ok lang, ibig sabihin lang nun gusto nila ako."

"Parang mga baliw, parang ngayon lang nakakita ng gwapo sa tanang buhay nila."

"Bakit hindi ka ba nagwagwapuhan sa akin?" Tumawa sya.

Ngumiti ako."gwapo ka naman ah?"

"So meaning nagwagwapuhan ka sa akin?" Sumilay ang mga ngiti nya.

"Oo naman! Sino bang hindi? Walang magsasabi sayo na pangit ka. Siguro iyong mga lalakeng insecure lang sayo." Totoo naman.

"So hindi ba ako pangit para sayo?" Ang lapad ng mga ngiti nya.

Tumawa ako."Ano ba! Sinabi ko bang pangit ka? Wala naman akong sinabi ah!"

"Owwhh! Akala ko kasi ang pangit ko kaya dimo ako napapansin." Nagpout sya na nagpacute lalo sa kanya.

"Tsh! Gwapo ka nga, kaya nga ang daming nakatingin sayo kanina na mga babae eh." halos lahat ng mga babae kanina may panakaw tingin sa kanya. Yun bang hindi nila kayang tiisin na hindi sya matingnan. Yung iba nga titig na titig pa eh.

"Pero iyong gusto kong tumingin sa akin. Sa iba nakatingin.." tinitigan nya ako sa mga mata at parang napaso ang mga mata ko sa klase ng tingin nya. Tumikhim ako saka ngumiti ng may pagkailang.

"You mean ba iyong babae na nagpapicture sayo? Oo maganda sya bagay nga kayo eh!" Awkward smile.

"Maganda ka rin naman ah!"

"Average, average lang iyong ganda ko hahaha! Kaya wala masyado nakakapansin sa akin."

"Don't say that, meron ka kaya na wala sila kaya nga ikaw ang unang napansin ko eh."sumeryoso ang tingin nya.

Okay, kanina na sya nagpaparinig at hindi ako tanga sa mga pinapahiwatig nya at bago pa ako mailang ang nararamdaman ko sa kanya ngayon. I suddenly grab his hand.

"Tsh! Tama na nga! Halika na magpaalam kana kila nanay at sa mga kapatid kong favorite ka."Hinila ko sya papunta sa kanila.

Nang magpaalam na sila nakuha pang ibulong sa akin ni Trixie na "Ngayon ko nakonpirma na may gusto nga talaga sayo si Amir." Sabay grin sa akin. Diko nalang pinansin.

-------------

Ilang araw nalang din ang lumipas at panay upload ng pictures namin sa Facebook at instagram ng mga kapatid ko, kaibigan at kamag-anak. Napuno ng pictures namin ni Amir ang news feed ko na tinatag nila sa akin.

Hindi ko alam but I feel that I am cheating on Chris kahit na hindi naman talaga. Sa graduation pa ni Shaila itong ganitong nararamdaman. Parang natatakot ako na baka makita niya ang mga pictures namin pero the other side of me keep on saying na hayaan ko nalang, hindi naman nya makikita since wala naman syang friends ni isa sa amin.

Hinintay ko na tawagan ako ni Chris pero ilang linggo na ang lumilipas at wala parin. Matatapos na ang bakasyon ko at ni isang tawag wala pa akong natanggap mula sa kanya. Ano ba? Busy ba talaga sya. Hindi na kasi ganun kadalas kami magkita gaya ng dati at namimiss ko na talaga sya.

Diko naman matawagan kasi diba I never called him unless it is necessary. Bumalik na nga ako sa trabaho ko at wala parin.

Eksaktong isang buwan na ngayon ng huli kaming magkita at panay check up na ako sa phone ko kung may text or miscall sya sa akin pero wala talaga. Saan na kaya sya? Wala narin masyadong balita sa tv sa kanya? Natapos na kaya ang shooting nya with Lana?

MY HEAVY HEART! 💔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon