PART 3- But then again,

14 0 0
                                    

January/27/2022 Thursday



3- But then again,

*6 months later*

"Trixie, Alis na ako."paalam ko sa kanya sabay baba ng mga pinaghugasan kong utensils.

"Okay, Anjan na ba si Kath?" Medyo maraming customer namin ngayon araw kaya Wala muna kaming masyadong chikahan. Actually Sya lang, nakikinig lang ako sa kanya.

"Oo nasa locker room na."

"Sige, Ingat sa pag-uwi." Sagot nya na hindi nakatingin sa akin.

Naglakad na ako palabas ng shop ng biglang tinawag nya ako.

"Wait Shana."nilingon ko sya. Sumulyap sya sa akin."Wag mong kalimutan mamaya, Birthday ni Jake."oo nga pala. Magpapakain si Jake mamaya. Si Jake, iyong kasama ko sa work sa umaga. Off nya ngayong araw kaya wala sya. Syempre birthday nya eh.

"Nakalimutan mo noh?" Umismid sya sa akin.

Ngumiti ako ng pilit."sorry."


"Hmm..kung diko pa siguro pinaremind sayo nako, hindi ka makakapunta.."

Tiningnan ko iyong wristwatch ko."Anung oras nga iyon?"

"Tch! 10 PM nga mamaya sa Afamiah Resto."

"Pumayag si Sir Tan lumabas ng maaga?"tumaas ang kilay ko. Iyong intsik na iyon papayag?

"Babae, alam mo naman gaano ka importante kay Sir Tan ang birthday di'ba?" Nagrolled sya ng mga mata sa akin. Oo nga pala, tuwing May birthday sa staff nya pinapauwi na nya kami ng maaga.

"Don't tell me na you won't come snow white? Ibaban ka namin dito at hindi ka na namin kakusapin kahit kailan hmp!"

"Sinabi ko bang hindi pupunta?"

Tiningnan nya ako ng masama."Hoy babaeng pinaglihi sa pagong. Mailap sa tao. Kilala kita. Last minute ka umaatras. Subukan mo lang ngayon na hindi pumunta..."hindi ko na sya pinatapos sa pagsasalita.


"Tsh! Oo na pupunta ako. Baka isasama ko si Lucy kung wala syang pasok sa school."


"Okay nang malinaw hehe.." ngumiti sya sa akin na parang nanalo.




Anim na buwan na ang nakaraan at thank god bumalik na ako sa dati. Nakalimutan ko narin iyong nangyari. Ibinaon ko sa limot kasi alam kong wala ring patutunguhan ang paghihirap ko. Iniisip ko na lang na isa sa bahagi ng pangarap ko ang natupad. Although may kinuha sya sa akin n importante Hindi ko naman iyon pinagsisihan kasi pareho rin naming ginusto. I mean, ginusto ko iyon. Ako ang nag udyok na kunin nya so I can't blame him. It's just a one night stand and nothing more.

Inalis ko narin ang nga posters nya sa wall ko. Yung mga notes ko na may mga pictures sya.Hindi narin ako nakikinig ng radio. Nanunuod ng tv or kahit pagbasa ng mga news basta tungkol sa kanya. I completely vanished him out of my life. Basta iyong mga bagay na nagpaparemind sa akin sa kanya itinapon ko na. Hindi narin naman kami magkikita pa at kung magkikita man kami One of these days. I'm pretty sure na hindi na nya ako matatandaan pa. Siguro OO pero isa sa mga fan nalang nya. Ex-FAN to be exact.

Hindi narin sya nababanggit ni Trixie napinagsasalamat ko Atleast unti unti ko na syang makalimutan hanggang sa hindi ko na namalayan na anim na buwan na pala ang nakalipas. Anim na buwan na ang iniisip lang ay kung paano aangat sa buhay. Nagpapadala pa kasi ako ng pera sa probinsya para kay Mama na may sakit at sa marami ko pang kapatid na nag-aaral pa.

Pagdating ko ng Resto nakita kong kumakaway si Kath sa akin. Nagmotion na lumapit ka. Andun na pala sila lahat at ako lang hinihintay.

"Happy Birthday Kuya Jake."bati ko sa kanya at inabot ang maliit na shopping bag na regalo ko. T-shirt na binili ko sa Adidas. Mahilig sa Adidas.

MY HEAVY HEART! 💔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon