February/22/2022 TUESDAY
PART 11- AMIR
Pagbalik ko ng BAR. Lahat sila nakatingin sa akin. Yung mukha nila parang narelief ng makita ako lalo na si Amir.
"Saan ka galing?"Tanong ni Trixie at lumapit sa akin saka iginaya ako paupo.
"Ah? Di'ba sabi ko magCCR ako."hindi ako makatingin sa kanya kasi nga alam mo na nagsisinungaling ako.
"Eh bakit ang tagal mo? Itong si Amir nagpanic, akala mo naman nawawala ka." tumawa sya.
Tiningnan ko si Amir pero nakatingin lang sa akin at walang ekspresyon ang mukha. "Ah ano..constipated..alam mo na." I said and smile awkwardly. Sana maniwala sila sa akin. Ito lang alam kong alibi sa pagkawala ko.
"Kaya ka ba pinagpawisan ngayon?" Trixie na Kumuha ng tissue sa box na nasa table at ibinigay sa akin. "Ang init syempre sa cubicle naman. Almost 1 hour ka nang andon huh? Ipacheck up mo na kaya yan?"
"Ahmm..s-siguro nga.."pinunasan ko ang mukha ko. Sino ba naman ang hindi mamamawis sa lugar na napasukan namin ni Chris. Isa palang maliit na bodega ng mga cleaning materials ng Club. Hindi na namin ininda ang init sa loob kasi pati kami nag-iinit.
"Oh okay na Amir huh? Yang prinsesa mo naconstipated lang kaya tumagal sa loob ng banyo. Hahaha! Kakahiya ka Shanna!" Tawa ni Trixie sa akin.
Tiningnan lang ako ni Amir na parang hindi naniniwala pero pagkakwan ay Kinuha ang pitser at sumalin ng tubig sa baso saka ibinigay sa akin."oh drink it, you must be thirsty."
"Thank you." Awkward smile. kinuha ko ito at ininom. Ngumiti lang sya sa akin bilang tugon.
"Teka nasaan pala si Kath?" Nilingon ko ang paligid.
"Ah! Nasa labas ang bruha may katawagan. Parents nya ata."trixie.
Sa paglingon ko sa paligid nakita ng mga mata ko si Chris na papasok ng Club. Naglalakad sya palapit sa amin at Syempre hindi sya nakilala kasi nakamask sya at cap. Ako lang nakakaalam na sya iyon. He walks toward us and my heart suddenly beats so fast. Saan sya pupunta? Lalapit ba sya sa amin? Para saan?
Habang papalapit sya. Ang lakas ng tibok ng puso ko. Pinagpapawisan ako. Naisip ko iyong nangyari sa amin kanina. Buti nalang talaga at walang tao sa second floor. Gabi na kasi. Buti nalang talaga dahil kung nagkataon wala akong mukhang ihaharap sa kanila.
Nang malapit na sya sa amin. I gaped as he winked at me. Napabaling tuloy ako sa ibang direksyun. Sana walang nakakita non. Sana walang nakapansin sa ginawa nya.
Tiningnan ko si Trixie at nakatingin sya sa dance floor. Pasimple naman akong sumulyap kay Amir at kumakalikot din ng phone nya. Nakahinga ako ng maluwag. Buti naman. Dumaan lang pala sya sa gawi namin at dumiretso sa hagdan. Nasa VIP personnel ata sila ni Lana.
May kirot akong naramdaman sa iisipin iyon. Magkasama sila ni Lana, may date sila pero nakuha parin nyang magsneak para sa akin. Hindi ko alam paano nya ako nakita kasi hindi ko sya napansin dito. Ang talas din talaga ng mga mata nya.
Nagulat ako ng biglang tumayo si Amir. "Teka lang, lalabas lang ako. I have a phone call."paalam nya sa amin ni Trixie.
Paglabas nya ng club bigla akong binalingan ni Trixie. "I think in love na sayo si Amir. If you could have seen his face nung di ka bumalik. Nagpanic mood sya girl."
"Bakit naman? Nasa CR lang ako."
"Eh sino ba naman kasi hindi eh isang oras kang wala akala nya may nangyari na sayong masama. Nag-alala sya girl Buti nalang sabi ko na constipated ka lang kaya ka natagalan sa loob at doon lang sya kumalma."
![](https://img.wattpad.com/cover/288410791-288-k281637.jpg)
BINABASA MO ANG
MY HEAVY HEART! 💔
Roman d'amourChristopher Madrid, a superstar Idol who has been very successful from the very beginning. Despite being a full-blooded Korean, he grew up in the Philippines. He didn't know his parents, but a Filipino couple took care of him. Shana Pineda is an ave...