January / /2022
2- hopelessly devoted.
Pag-uwi ko ng bahay, hindi parin pumapasok sa utak ko ang nangyari. I mean, parang panaginip lang ang lahat. Na parang hindi totoo ang nangyayari.
Napatingin ako sa mga poster ni Chris na nakadikit sa dingding ng kwarto ko.
Sya? Sya ang lalakeng kasama ko kagabi, sya ang lalaking nakauna sa akin, sya ang lalakeng binigyan ko ng laya na halikan at hawakan ako. Hinawakan ko ang dibdib ko. Ang lakas lakas ng tibok ng puso ko. Iisipin ko palang iyong nangyari kagabi para akong nasa langit. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko ngayon. Ang saya. Ang saya saya ko. Ni walang katiting na pagsisisi sa kaloob looban ko.
Humiga ako sa kama at kinuha ang unan. Niyakap ito ng mahigpit saka nagtitili ng malakas. Wala naman kasing makakarinig sa akin. Wala si Lucy na kasama ko sa bahay, nasa school nya kaya malaya akong magtitili at ilabas ang kilig na nararamdaman ko na kanina ko na gustong ilabas pero di ko magawa. Yung pinapangarap ko diko expect na abot kamay ko na ngayon.
Kyaah! Sabay subsob ng ulo sa unan at nagtititili. This is miracle! This is absolutely miracle.
Sa tuwing naaalala ko yung ginawa namin, sa tuwing sumasagi sa isip ko. Nag-iinit ako. Nakakaramdam ako ng hindi ko maipaliwanag. Kyaah! Baka magkita kami ulit. Baka tawagan nya ako sa phone ko, baka sabihin nyang papayag sya sa gusto ko kyyaah! Tiningnan ko ang cp ko na baka tumawag sya pero Teka??
Napabangon ako bigla at napalaki ng mga mata. Tanga! Hindi ko pala naibigay ang phone number ko sa kanya. Stupid me! Paano naman nya ako makokontak? Paano kong gusto nya akong makita? Paano kong papayag sya sa gusto ko? Paano kong... tch! Sayang ang pagkakataon. Nakakainis! Pero sige lang, alam naman nya kung saan ako nagtatrabaho. Kung gusto nya pupuntahan nalang nya ako sa shop. Tama.
Naligo na ako, naglinis ng bahay at nagluto para babaunin ko mamaya. Para akong fully charge sa nararamdaman ko ngayon kaya diko nararamdaman ang pagod.
Pagkatapos ko kumain ng semi break-lunch natulog na ako para madagdagan ang energy ko mamaya. Ngayon lang ako natulog ng may malapad na ngiti sa labi. Para nga akong nasa langit. Diko maexplain. Kung nakakamatay lang iyong nararamdaman ko ngayon siguro namatay na ako. Kinikilig pa ako sa tuwing napapatingin ako sa poster nya sa walls ko.
Ng maghapon na bumalik na ako sa shop. Alam mo iyong super excited ako sa pagpasok kasi umaasa ako na baka bumalik si Chris mamaya. Pineprepare ko na ang gagawin ko at sasabihin ko pag nagkita kami. Sorry naman, masyado lang akong excited sa pangyayari sa buhay ko. For the first time kasi na makaramdam ako ng ganito.
After ko mag time in gamit ang index finger ko dire-diretso na ako sa locker ng la coffee. Naabutan ko doon si Kath na nagbibihis. Napatingin sya sa akin.
"Oh aga mo ata girl? Anong meron?"
"Wala naman, masama na bang maging maaga?" Sabi ko saka inopen ang locker para magpalit narin.
Tiningnan nya iyong oras sa relo nya."Isang oras ka kayang advance, nagpapabango ka ba kay Sir Tan para domoble yung bonus mo huh?" Nakagrin sya sa akin.
"Baliw hindi! May kinuha lang ako jan sa tabi eh dumiretso na ako dito. Oh eh ikaw bakit nakabihis kana aalis ka na?"tiningnan ko sya. Actually, wala lang inspired lang ako pumasok dahil nga sa kahapon.
"Oo eh, aalis ako ng maaga May presentation kasi kami sa Chem mamaya at kailangan ko pang mag review. Buti nga rin pala na pumasok ka ng maaga para may pamalit ako agad."sabi nya
BINABASA MO ANG
MY HEAVY HEART! 💔
Storie d'amoreChristopher Madrid, a superstar Idol who has been very successful from the very beginning. Despite being a full-blooded Korean, he grew up in the Philippines. He didn't know his parents, but a Filipino couple took care of him. Shana Pineda is an ave...