Chapter 17: Visitor
"48 hours.... dalawang araw..." bulong ni Sachiko habang naglalakad sa hallway. Marami ang nakakabangga sa kanya dahil nag-uunahan na palabas. Uwian na rin kasi nila. Mahigpit na niyakap ni Sachiko ang envelope na tila sariling buhay niya ang niyayakap niya.
"Ano bang kaugnay nitong mga litrato? Lahat suspect eh. Di naman ata pupwedeng lahat iimbistigahan ko," isip niya habang nanatiling nakayuko. Di na ito ang usual na siya. Di tulad ng dati na normal lang itong umasta. Pero ngayon, nanatili siyang nakayuko at malalim ang iniisip. Kung tutuusin, di na malayo ang itsura niya kay Luna. Aakalain mong matalik silang magkaibigan dahil halos magkakapareha na sila ng kinikilos. Yung tipong 'birds with the same feather, flocks together'.
Nang nakarating na siya sa kanyang bike ay nilagay niya ang envelope sa basket ng bisikleta niya. Tapos umangkas na siya at umarangkada.
Medyo lutang parin si Sachiko habang nagbibisikleta. Iniisip nito kung ano ba talaga ang kinalaman ng nasa litrato kay Autumn. Buti nalang at wala masyadong sasakyan dahil nasa bukid lang naman sila. Di ito tulad sa siyudad na saksakan ng polusyon at siksikan ng sasakyan. Kaya gustong-gusto ni Sachiko ang lugar na kanyang tinitirahan.
Dahil sa lutang siya, di niya namalayan na may malalim na hump ang nakaabang sa kanya. Pinag-iisipan niyang mabuti ang nasa litrato nang biglang napadaan siya dito at napatumba.
"Aray naman!" reklamo ni Sachiko. Napatingin siya sa kanyang tuhod at nakitang napatamo siya ng gasgas. Ganun din ang kanyang siko.
"S-sachiko!" rinig niyang may tumawag sa kanya. Di na siya nag-abalang lumingon at hinipo niya ang kanyang sugat.
"T*ngina, ang malas ko," mahinang mura niya.
Namalayan niya na may humawak sa braso niya na tila sinusubukang tulungan siyang tumayo.
"Sachiko, ano bang nangyari sayo?" nag-aalalang tanong ng lalaki. Nung napatayo na si Sachiko ay pinagpag niya ang kanyang palda at blouse. Inayos niya rin ng konti yung buhok at tiningnan ang nagsasalita. Si Jeno pala ito!
"Uy, Jeno..." bati nito sa kanya. Bumuntong hinga lang si Jeno at tinulungan palakarin si Sachiko sa pinakamalapit na mauupuan. Buti nalang at may tindahan sa tapat ng natumbahan ni Sachiko.
"Ikaw kasi, kung magbisikleta ka, doble ingat," pag-aalala ni Jeno kay Sachiko. "Leader material talaga si Jeno," isip ni Sachiko.
"O-okay po," sagot ni Sachiko at tumango. Lumingon naman si Jeno sa kanyang likod at nakita ang bike niya at ang brown envelope na isang lakad ang layo mula sa bisikleta. Tumayo naman si Jeno mula sa pagkaluhod at tinayo ang bike at kinuha ang envelope.
Di nakatingin si Sachiko sa kanya at luminga lang ito sa paligid na tila di kumportable. Tinabi ni Jeno ang bisikleta at inabot kay Sachiko ang envelope. Nang napansin ito ni Sachiko ay napalaki ang mata niya. Dali-dali niya itong kinuha ang niyakap. Napakunot noo naman si Jeno at bahagyang napangisi.
"Importante ata sayo ang envelope na iyan," komento ni Jeno. Tumango lang si Sachiko at sinulyapan ang envelope na hawak niya. Lalong napasimangot si Jeno sa inaasta ni Sachiko. Di na siya ang Sachiko na kilala niya. Yung masiyahing babae at palangiti. Ngayon, nagiging malungkutin siya tingnan.
"Is there something bothering you?" tanong ni Jeno at mas nilapit ang mukha niya kay Sachiko na tila interesado sa sasabihin niya. Tumayo naman si Sachiko at tinungo ang bike. "I shouldn't put my guard down," isip niya at nilagay ang envelope sa basket. Sinundan lang siya ng tingin ni Jeno at bumuntong hinga.
"Nag-aalala ako sayo, Sach," seryosong sabi ni Jeno habang tumayo. Iaarangkada na sana ni Sachiko ang bisikleta ngunit nagsalita si Jeno. Tumingin siya kay Jeno na isinasabit ang bag nito sa balikat. "To be honest, your acting weird. Very different," dagdag niya,"Sana bumalik ka na. Yung dating ikaw."
BINABASA MO ANG
Picture [On-hold]
Mystery / ThrillerMas maganda kung mamatay ang isang tao na nakangiti, diba? Kaya, say cheese!