Chapter 1: Luna Kuroi
Di mapakali ni Sachiko sa kanyang upuan. Di niya alam ang dahilan, pero nakaramdam ito ng adrenaline rush. Di pa naman hapon para maging excited na siyang umuwi. Sa katunayan eh, wala pa nagsisimula ang araw.
"Bali-balita na may bago raw tayong kaklase," simula ni Xaifer sa dalaga. "Okay ka lang ba, Sach?"
"Okay lang ako, Xaifer. Excited lang ako sa di malamang dahilan," sagot nito sa binata. Ngumiti naman si Xaifer at ginulo-gulo ang buhok ni Sachiko.
"Dahil siguro para sa shoot natin mamaya," hula ni Xaifer. Napa-tango naman si Sachiko sa sinabi ng kaibigan. Baka nga!
"Siguro nga. First time ko rin kasi nabigyan ng proyekto na filming. Eh, excited na ako sa mga mangyari at kung anong kalabasan," ani Sachiko.
"Oo nga eh. At, alam mo bang tayo ang inatasang bida? Like, loveteam?" tanong ni Xaifer.
Umiling naman si Sachiko. "Hindi eh. Di ko pa nga nababasa yung script eh."
Ngumiti naman si Xaifer at pinisil ang pisngi ng dalaga. "Galingan natin, ha? Para di naman tayo mapapahiya. Iu-upload pa naman yun sa Youtube," sabi ng binata
habang naka-thumbs up.
Halatang may gusto ito sa dalaga. Di naman din maipagkait na maganda si Sachiko. Di siya gaanong maputi, pero maganda ang mukha nito at ang porma ng katawan. Talented rin ito sa larangan ng pag-awit at pag-sulat.
"Oo naman, Xaifer," panigurado ni Sachiko sa kaibigan.
Naputol ang pag-uusap ng dalawa nang dumating na ang guro.
"Settle down, class," utos nito sa mga bata.
"Kaya gusto ko 'to si Sir Thyrone eh. Di uso sa kaniya ang welcoming ritual," bulong ni Xaifer kay Sachiko. Palihim lang silang tumawa para di sila mapapagalitan. Strict type kasi ang guro kahit bata pa ito. Womanizer rin ito dahil sa angking kagwapuhan. Kahit naka t-shirt lang ito, halatang may abs ito. Kung strict siya sa klase, mabait naman daw ito sa labas.
"So, may bago kayong kaklase and I want you guys to meet them," sumenyas naman ang guro na pumasok sila. Pumasok naman ang dalawang bagong estudyante.
Ang isa ay lalaki na kalmado tingnan. Emo type ang ayos nito pero mukhang friendly naman kung ikaw ang unang mamansin. Halata rin na galing ito sa ibang lungsod. At halatang laking siyudad. Ang lugar kasi nila ay maliit na bayan lamang na malayo sa siyudad.
Ang isa naman ay babae. Misteryosa ito at nakatago ang mukha dahil nakayuko ito, at may bangs na abot kilay ang taas. Maputla ito, pero maganda naman ang pagkaputla. Maganda rin siya, pero kung titingnan ka niya, parang pinapatay ka na sa mga titig niya! Agaw pansin rin ang DSLR na nakasabit sa leeg nito.
Iba naman ang tingin ni Sachiko sa babae. Pakiramdam niya, may kakaibang hiwaga ang babae.
"Hindi, Sachiko. Masamang humusga. Malay mo, mabait pala siya," isip niya.
"The name's Spade Cross. Nice to meet you all," bati nito sa mga bagong kaklase. Sa pananalita nito, halatang kalmado at mukhang badboy type. Pero, halata rin na galing siya sa mayamang angkan at maganda ang pagkalaki nito.
"Luna... Luna Kuroi," simpleng sabi ng dalaga. Sa boses niya, mapapatayo ang balahibo ng kahit sino dahil sa lamig nito.
"Ms. Kuroi, nakasaad sa students' rulebook na bawal ang gadgets inside the class. If you don't mind?" kukunin na sana ng guro ang DSLR pero mas lalong humigpit lang ng hawak si Luna dito. Di nalang pumalag ang guro dahil sa kakaibang takot.
BINABASA MO ANG
Picture [On-hold]
Mystery / ThrillerMas maganda kung mamatay ang isang tao na nakangiti, diba? Kaya, say cheese!