[10] Not Alone

71 7 5
                                    

Chapter 10: Not Alone

××Dalawang Buwan na Nakaraan××

"Shet." bulong niya sa sarili. "Gumaganti din pala ang baliw na yun."

Napailing siya sa nakitang kaguluhan. Sigurado siyang si Mei ang may kagagawan nito.

"Ang epal niya talaga. Ako lang dapat ang gagawa nito!"

"Sino bang may walang awang gumawa nito?" rinig niyang tanong ng kaklase.

"Edi yung kaklase niyong ubod ng galing sa pag-arte," nais na talaga niya yun sabihin pero mas pinili niyang itago nalang iyon sa sarili. Hindi pa panahon.

ווו×

Umuwi siya sa bahay niya na mainit ang ulo. Naiinis ito lalo kay Mei.

"Bwisit! Sira na ang plano ko!" napasuntok siya sa pader at tiningnan ang kanyang pinboard na may maraming larawan. Larawan ito ng mga kaklase niya. At nasa hulihan nito ay si Mei.

"Di dapat mamatay ng ganito kaaga si Jessica! Paglalaruan ko pa siya. Pero, sinira ni Mei ang plano ko. Bwisit talaga," bulong niya sa sarili habang humihingal.

"Pero, kasali lang siya sa mga pawns ko. Ang target ko talaga, ay si Mei. Ang baliw na iyon ma pumatay sa kuya ko!" isip niya.

Tiningnan niya ang isang litrato na nakalagay sa picture frame at nakapatong sa desk niya. May dalawang batang lalaki rito. Ang mas matangkad ay inaakbayan ang nakakaliit na bata. At ang nakakaliit na bata naman ay kumakain ng ice cream habang naka-'peace' sign sa camera.

"Igaganti kita kuya. Hindi ko na itutuloy ang sequence, pero, sisiguraduhin kong nakakasabik padin ang laro," ani nito sa litrato na tila naririnig ito.

"Kuya Clifford.... Mahal na mahal kita."

"May naisip akong ideya."

ווו×

"Kailangan kong malaman kung sinong pumatay kay Ruth. Dapat, kilalanin ko siya. Baka, pwedeng magsasanib pwersa kami laban sa buong 9-D. Laban sa kahit sino," iyon ang tumatakbo sa isip ni Mei. Sa kadalasan, nakatingin lang ito sa salamain at minamasdan ang kanyang refleksyon.

Ngumisi siya at hinawi ang abot dibdib nitong buhok. Napakalambot nito at napakabango.

Napatigil siya nang nagring yung cellphone niya.

"Naku! Baka kaklase ko nanaman 'to nanghihingi ng assignment. Bwisit," pabadog niyang kinuha ang kanyang cellphone at tiningnan ito. Walang pangalan at purong number lang ang nakalagay.

"Hello?" tanong niya na sinusubukang magalang ang himig niya.

"Hello, Mei..." malalim ang boses nito at halatang ginamitan ng voice changer.

"H-hindi ito si Mei," umiiling niyang tanggi.

"Wag ka nang magsinungaling. Kilala kita. Kilalang-kilala. Buong pagkatao mo. Alam ko. Alam kong, ikaw ang pumatay kay Jessica," sa boses nito, mukhang hinihikayat niya si Mei.

"A-ano naman?"

"Well, alam kong gusto mo akong makilala. Ako ang pumatay kay Ruth. I am Black Moon,"

Napalaki naman ang mga mata ni Mei. Di niya akalain na kausap niya si Black Moon.

"I-ikaw si Black Moon?" nauutal na tanong nito.

"Oo, Mei. Nagagalak ka bang makilala ako?"

Napangisi naman si Mei at tiningnan ang DSLR niya na nakasabit sa dulo ng kanyang kama.

Picture [On-hold]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon