[16] Mission Before Death

81 5 0
                                    

Chapter 16: Mission Before Death

"Aya!!!"

Bigla namang nagising si Sachiko. Panaginip. Isang masamang panaginip nanaman. Umiling nalang si Sachiko at kinagat ang mga labi.

Pinagpawisan siya at hinihingal. Tila galing ito sa kakatakbo. Kumunot-noo naman siya at sumimangot. Aya? Sinong Aya? Napaisip siya pero isinawalang bahala rin niya ito. Wala lang naman siguro iyon. Napagpasiyahan niyang uminom ng malamig na tubig. Iyon lang ang makakapag-ganda sa pakiramdam niya.

Paglabas niya ng kwarto, natagpuan niya si Kinji na biglang humarap sa kanya. Nasa tapat ito ng malaki nilang bintana at hinihingal. Ang ekspresyon ay tila nakakita ng multo.

Naningkit naman ang mata ni Sachiko at kumunot-noo. "Kuya? What's wrong?"

Sumulyap naman si Kinji sa baba ng bintana at umiling. "Pusa. P-pusa lang pala. Akala ko kasi akyat bahay. Alam mo namang takot ako sa akyat bahay diba?" sagot ni Kinji na may pilit na ngiti at nagkibit balikat.

Tumigil naman sa paghakbang si Sachiko at ngumiti. "Matipuno kang tao pero takot ka sa akyat bahay?" biro ni Sachiko. Umiba naman ang ekspresyon ng kuya at yumuko. Naglakad ito patungo sa kanyang kwarto habang hinihimas ang batok.

"Sorry," bulong ni Sachiko nang magkatabi na sila.

"It's okay," mahinang sagot ni Kinji at nagpatuloy sa paglakad.

Tinungo naman ni Sachiko nang mahina ang bintana at sinilip.

May tao! Naka-hoodie ito na itim! Tila stalker na minamasdan ang bahay nila. Minamasdan sila. Di makita ni Sachiko ang mukha nito dahil sa anino ng hoodie, pero alam niyang sa kanya ito nakatingin at ngumiti.

"Sachiko!" biglang tawag sa kanya ng kuya. Napalingon naman bigla si Sachiko kay Kinji.

"Bakit ka nga pala lumabas ng kwarto?" tanong nito sa nakababatang kapatid.

"Malamig na tubig. Kailangan ko ng tubig," sagot ni Sachiko. "Ikaw?"

"Same reason. The movements sa labas, na-destruct lang ako," sagot ni Kinji habang hinimas ang sariling braso. "And, dalian mo. Devil's hour ngayon. Ingat ka."

Tumango naman si Sachiko at gumanti sa ngiti ng kuya. Tumango din si Kinji at pumasok na.

Sumilip ulit sa bintana si Sachiko at wala na dun ang tao.

Na mas lalong nakapag-kaba sa kanya.

Bumuntong hinga nalang siya at umiwas sa bintana. Kailangan na talaga niya ng tubig. Pababa na siya ng hagdan nang may napansin siyang papel. Kakahulog lang nito dahil nasa ere pa ito pababa sa sahig. Dali-dali namang bumaba si Sachiko at kinuha ang papel na malapit nang umabot sa sahig. Tinapat niya ito sa mata niya upang mabasa ng maayos. Madilim kasi at mahirap magbasa.

"Isa pa lang ang alam mo. At ako iyon. Marami ka pang kailangang malaman. Marami ka pang di nalalaman. Nabubuhay ka sa kasinungalingan, Sachiko. Di ka pa ba kikilos? O, di ka ba kikilos? -You know me already :)"

"Autumn!" bulong niya pagkatapos niyang basahin ang  nasa papel.

Tumingin siya sa paligid. Walang tao. Tahimik. Siya lang ang humihinga.

"Huuuurgh!"

"Sachiko, make your move. Discover! Explore! But there's one catch. Live the living hell," bulong sa kanya ni Autumn na nasa likod niya at tinakpan ang bibig niya.

ווו×

Tahimik na nakaupo si Topaz sa kanyang upuan. Lutang na lutang ito na tila nakukulong sa kanyang utak. Pero bumalik siya sa reyalidad nang napansin niyang pumasok si Sachiko sa classroom. Sumimangot naman siya kay Sachiko habang minamasdan itong naglalakad papunta sa upuan.

Picture [On-hold]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon