[15] Look Who's Back

66 3 0
                                    

Chapter 15: Look Who's Back

Mag-iisang oras nang tahimik ang buong 9-D. 'Ni hindi nila alam kung ano ang sasabihin o kung sino ang unang magsasalita. Tahimik. Nakakapanibago ang katahimikan para sa kanila.

Napatingin naman sila sa pintuan nung napansin nilang papasok si Luna sa classroom. Sumimangot naman si John Carl at tumayo.

"Ikaw! Ikaw ang pumatay sa kanila, you creep!" warla niya. Yumuko nalang si Luna at ngumisi. "Eto na nga ba yun? Oo." isip ni Luna. Palihim nalang siyang ngumisi habang iniisip ang kabobohan nila. Ng Class 9-D.

"S-sandali! Di naman ata tama iyan!" singit ni Autumn. Tiningnan naman ni Luna na madiin si Autumn. Bakas sa mukha ni Luna ang ismid. Naningkit naman ng mata si Sachiko habang tinitingnan ang away. "Parang may mali..." isip niya.

Tumayo naman si Topaz at nilapitan si Autumn. "Autumn, ikaw lang ang makakasagot sa problema. Ikaw ang in-charge sa camera. That means, ikaw ng pwedeng mag-edit nito, 'di ba? Posibleng, ikaw ang walangya dito!"

Humihingal naman si Autumn at tumingin sa sahig na tila nag-iisip. "May... ico-confess ako." pabulong na sabi ni Autumn. Sumimangot naman si Topaz at binaling ng tingin si Luna na diretsong nakatingin kay Autumn.

"B-binigay ko ang camera..." dagdag niya. Nakatingin naman silang lahat kay Autumn at inabangan ang sasabihin niya.

"Sino?! Saan dito?!" sigaw ni Jeno. Napabalikwas si Autumn sa sigaw ni Jeno. Nilibot naman niya ang mata niya sa classroom. Si Sachiko naman at matalim na nakatingin kay Autumn. "Autumn... you lier. You... ikaw ata ang killer for the whole time!" napakahinang bulong ni Sachiko.

"K-kay... Sachiko po!" sambit ni Autumn.

Lumaki naman ang kanilang mga mata sa sinambit ni Autumn. "Sachiko..." mahinang tawag ni Xaifer. Tila wala namang makitang reaksyon sa mukha ni Sachiko. Diretso lang itong nakatingin kay Autumn.

"P-pero... sigurado ako! Di iyon kayang gawin ni Sachiko! Please, kung ano man ang nasa isip niyo, di iyon totoo!" depensa ni Autumn sa "kaibigan".

"Wag mo munang unahin ang damdamin mo at pagkakilala mo, Autumn. Magaling lang magpanggap si Sachiko," madiin na ani Topaz. Tumahimik lang ang mga kaibigan ni Sachiko.

"T-teka! Wala kayong ebidensya!" depensya ni Xaifer.

"My logic is enough, Xaifer," sagot ni Topaz. Yumuko lang si Autumn na tila nako-konsiyensya. Pero, ang mata niya ay nakatingin kay Sachiko. Binitiwan niya ito ng mala-demonyong ngiti. Di parin mabasa ang ekspresyon ni Sachiko. Nanatili lang itong blangko habang nakatingin kay Autumn.

"Sinungaling," bulong niya sabay iwas ng tingin kay Autumn.

Ang mga magkaklase naman ay nanigas sa kani-kanilang upuan. Di alam kung ano ang gagawin nila. Inismiran naman ni Topaz si Luna at tiningnan ito mula ulo hanggang paa. "You just got lucky," bulong niya sa kanya. Sumimangot naman si Luna at nagsimulang magsalita.

"Paano kung sasabihin kong si Autumn ang killer? Na siya si Black Moon?" tanong ni Luna. Napatahimik lalo ang lahat sa tanong niya.

"Impress us..." hamon ni Topaz.

"Ginawa siguro niya iyon para maipasa sa iba ang kanyang kasalanan. At si Sachiko ang napili niya," kalamadong sabi ni Luna.

"S-sige... Maniwala kayo kay Luna. B-basta, wag niyo lang saktan si Sachiko. Alam kong inosente siya," ani Autumn. Sumimangot naman si Sachiko at diretsong tumingin kay Autumn. "Wag ka nang magbait-baitan, demonya ka!" isip ni Sachiko.

"That's not fair, of course!" sigaw ni Topaz.

"You nitwits!" sigaw ni Liyanne. "All of you are plain bobo!" Agad namang dumabog si Liyanne palabas ng silid.

Picture [On-hold]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon