[7] Wrath of the Black Moon

120 7 6
                                    

Chapter 7: Wrath of the Black Moon

"Paalam, Sachiko, Autumn!" pamamaalam ni Jessica sa mga kaibigan.

"Bye, Jess! Mag-ingat ka," muling sabi ni Sachiko. Nginitian lang muli ni Jessica silang dalawa at naglakad na palayo.

"Mauuna na rin ako, Sach. Bye!" masiglang sabi ni Autumn.

"Osiya sige, mag-ingat ka din!" nakangiting paalam ni Sachiko. Minasdan niya ang dalawang kaibigan na naglalakad palayo at siya nama'y nagsimula na ring magbisikleta pauwi.

ווו×

Umupo muna si Jessica sa isang upuan na nakalagay sa isang mukhang abandonadong tirahan. Napapagod na kasi ito at malayo-layo pa ang tinitirahan. Pero, mas gusto parin niya ang maglakad pa-uwi para raw maka-ensayo siya kahit papaano.

Pero, bigla siyang nagambala nang may narinig siya mga yabag ng paa na mukhang nanggaling sa likod nung tindahan. Akma na sana siya aalis nang ang yabag ng paa ay mukhang mabilis na gumalaw. Napatigil siya sa kanyang kinauupuan at natakot nang tumayo. Natatakot siya, na baka kung ano ang gagawin sa kanya!

"S-sino yan? M-magpakita ka!" nanginginig na tanong ni Jessica.

Nabigla siya nang may nardaman siya humawak sa balikat niya! Marahas ito!

"M-miss? Okey ka lang ba?"

Di halos makasalita si Jessica dahil sa gulat. Napanganga nalang siya namg makita ang medyo may katandaan na lalaki. Mukhang nasa edad 30 na ito.

"W-wala. Akala ko... w-wala," nag-aalinlangang tugon ni Jessica.

"P-pasensya na miss, kung nagulat kita. Mangangahoy lang po ako rito. Wag po kayong mag-alala," ani ng lalaki. "Pero dapat wag kang pupunta rito na ikaw lang. Delikado eh."

"Salamat po manong," mahinang sabi ni Jessica.

"Osiya, hija. Mauuna na ako at naghihintay na ang pamilya ko. Mag-ingat ka," pamamaalam ng lalaki at naglakad na palayo.

Napabuntong-hinga naman si Jessica at nagpasiya na ring maglakad. Tutal, nahimasmasan na rin siya ng konti.

Habang naglalakad si Jessica, kinilabutan siya ulit nang may narinig siyang naglalakad mula sa likod niya. Ang nakakatakot pa ay, may naririnig siyang flash ng DSLR mula rito! Natakot magtingin sa likod si Jessica dahil sa posibilidad ba atakihin ito bigla. Bumilis lang siya sa paglakad, at narinig na niyang bumibilis na rin ang paglakad ng sumusunod sa kanya.

"Lord... tulong! Sana mali ang hinihinala ko!" mahinang dasal ni Jessica.

At sa wakas ay di na niya narinig ang mga yabag ng paa na sumusunod.

"Thank you Lord," hinihingal na bulong niya. "Magdadasal na po ako palagi."

Patuloy na siyang maglakad at medyo kampante na dahil naisip niya na dulot lang ang lahat sa malawak niyang imahinasyon.

Naglalakad lang siya nang tahimik nang...

"Jessica, sagutin mo ako... nasagot ba ang dasal mo?"

Halos mabawian si Jessica ng himimga sa sumunod na naganap. May sumusunod nga sa kanya! At ngayon, hawak na siya nito!

"S-sino k-ka ba?..." nauutal na tanong ni Jessica.

"Jessica naman... Wag mong sagutin ng tanong ang tanong. Anyways, di na importante yun. Obvious naman ang sagot eh. Di natupad ng diyos mo ang dasal mo!" kalmado, ngunit nakakatakot na tanong ng tao.

Nakatapat sa harapan ng lalamunan niya ang kutsilyo kaya't nahihirapan siyang gumalaw. Hinahawakan rin siya nito mula sa likod.

"I-ikaw ba ya--"

Picture [On-hold]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon