[3] Black Moon

147 13 2
                                    

Chapter 3: Black Moon

Di makapaniwala si Sachiko sa sinabi niya. Sinasabihan siya ng utak niya na ang lahat na iyon ay prank lamang. Pero, kanina pa siya humihintay na may lalabas at tatawa na prankster, pero wala.

"Sana naman gawa lang 'to ni Harry," ani Sachiko. Narinig naman ito ni Jeno at hinimas-himas ang likod ng kaibigan. Si Harry kasi ay kaklase nilang bihasa pagdating sa paggawa ng mga prank.

"Pasensya na, Sach. Pero lahat ng ito ay totoo," malungkot na turan ng binata. Hindi sila matalik na magkaibigan ni Jeno, pero magkaklase sila. Isa sa pinaka-matalinong estudyante si Jeno at isa rin sa pinakamabait.

Di na nagsalita si Sachiko, bagkus ay niyakap nalang niya ang kaklase. Di siya makapaniwala na, may mamatay tao na posibleng kasama nila!

ווו×

Wala na ang ibang estudyante, pero ang class 9-D ay andiyan parin, nagluluksa. Wala na ang mga pulisya at ang bangkay ni Ruth. Ang iba naman ay walang paki-alam, tulad nalang nila Topaz at ang kanyang mga kaibigan. Sila ay ang sikat na mga bully sa buong Farlington at walang ibang magawa kundi sirain ang buhay estudyante ng mga kaklase nilang alam nilang mahihina. Di man lang sila nagluluksa sa nangyari sa kaklase. Pero, nakapag-isip si Topaz na gagawa ng panibagong pagtripan base sa kagimbal-kimbal na pangyayari. Ang ibully si Luna.

"Bakit ba nagbubulag-bulagan parin kayo? Sa totoo lang, I think it's true na ang Luna na 'yan ang pumatay kay Ruth, eh!" ani Topaz.

"There's no time for blaming, Paz. Namatayan na tayo ng kaklase rito, pero paninira lang parin ang isinasaulo mo!" tutol ni Jessica sa sabi ni Topaz. Pumameywang lang si Topaz sa kanya at tinaasan ng kilay ang kaklase.

"I'm not blaming someone! But, look at it. Ayon sa naka-ukit sa hita ni Ruth, ' black moon'. Ayon naman sa linguistic lessons natin, Luna means moon, and Kuroi means black. The girl's name is Luna Kuroi. Di kaya, the killer herself is giving us a clue to her identity?" sabi ni Topaz habang umiikot-ikot sa kwarto upang mas maiintindihan nila ang sinasabi niya. At mukhang nakumbinsi nito ang ibang kaklase! Di rin naman maipagkait na matalino si Topaz. Nadadala lang ng ugali niya kaya maliliit ang natatanggap niyang grado mula sa mga guro.

Nag-simula nang mag-isip ang mga kaklase niya at napatango nalang. Pero, sina Sachiko at Autumn ay nagbigayan ng tingin. Tingin ng di pagsang-ayon.

"D-di naman ata yun kayang gawin ni Luna, eh!" tutol ni Autumn.

"Isa pa, may takot sa dugo si Luna... mukhang imposible yang konklusyon ninyo!" dagdag ni Sachiko. Sumulyap naman si Autumn sa kanya at napatango.

"Mabait naman si Luna eh!"

"Are you two dumb?! Kahit sino pwedeng magpanggap para matabunan ang kasalanan! And, it just happens, na magaling na aktres ang salarin natin. But, her acting is not qualified for me," madiin na sabi ni Topaz. "Isa pa, why won't you just agree with me, Autumn. Ruth is your bestfriend anyway. Ayaw mo bang bigyang hustisya ang kaibigan mo?"

Umiling lamang si Autumn habang may luha ma tumulo sa mga mata nito. "Hindi... di yun magagawa ni Luna!"

"Suit yourself then," inismiran lamang ito ni Topaz.

"Well, we must teach that silent bitch a lesson!" ani Amy. Sumang-ayon naman ang ibang kaklase nila at nagpasiyang hanapin si Luna.

Nang nagsilabasan na ibang mga estudyante, nilapitan ni Topaz si Autumn at binigyan ng matalim na tingin. "Ikaw na nga tong tinutulungan, ikaw pa 'tong ayaw," ani Topaz at naglakad na palabas.

Naiwan naman ang kaunting magkaklase sa loob ng C.R at dun din umaalingawngaw ang iyak ni Autumn.

"Jessica! Bakit di mo sila pinigilan?!" galit na tanong si Xaifer sa class president.

Picture [On-hold]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon