Chapter 6: The November Stone
"Topaz," madiin na tawag ng ama ni Topaz na si Fred, pero binaliwala lamang ito ng dalaga.
"Topaz Zirconia!" galit na tawag niya. Tiningnan lang ng masama ni Topaz ang ama. Galit na galit ito sa kanya. Sa katunayan, kinasusuklaman niya ang sariling ama.
"Bakit ba?" naiiritang tanong ng dalaga.
"Di pa tapos ang klase, pero andito ka na. Nagcu-cutting ka ba?" galit na tanong ni Fred.
"Pagod ako, DAD. So, please, leave me alone," sagot ng anak nito. Tumayo naman si Fred at marahas na hinawakan ang braso ni Topaz at iniharap ito sa kanya.
"Topaz. Bakit ba ganyan ka?! Inaabuso mo na ang pinaghihirapan namin ng mom mo. Sumosobra ka na!" galit na komento ni Fred. Nasasaktan na kasi ito sa pinagkikilos ng anak.
"Shut up, Fred! Wala kang karapatan na pagsabihan ako ng ganyan. You hurt me so much! Kami ni Kuya Zircon, sinaktan mo! At kung pagod ka na sa amin, then fine. Iwanan mo na kami. Kaya namin ang sarili namin," naluluhang sabi ni Topaz. "At wag na wag mong isali sa usapang pamilya yang babae mo! She's not my mom!"
Marahas naman na kumawala si Topaz sa pagkahawak ng ama at daliang umakyat patungo sa kwarto niya.
"Topaz... i'm sorry, anak!" yun ang narinig ni Topaz pagpasok niya sa kwarto niya. Naiiyak siya lalo ay napa-upo sa sahig. Dun niya binuhos ang lahat.
Mahal niya ang tatay niya. Minahal niya ang tatay. Pero galit siya nito dahil sa nakaraang binigay nito sa kanya. Ang pagpatay sa tunay niyang ina.
Kaya siya mahilig mambully dahil sa sobrang hinanakit. Nasasaktan na siya sa mga nangyayari sa personal niyang buhay. Kaya, gusto niya na kahit papaano ay makakabawi siya sa kanyang kalungkutan.
ווו×
Tumutuyo na ang mga luha ni Topaz at gusto niyang pumasyal. Gusto niyang makipag-usap sa mga kabarkada niya.
Nagpasiya siyang tawagan si Amy, ang ka-vibes niyang barkada. Mas mayaman lang si Amy sa kanya.
"Hoy babae," pamugad nito sa telepono.
"Ano ba yun Topaz?"
"As if namang di mo alam. Dun tayo sa tambayan," agad namang binaba ni Topaz ang telepono. Bastos na kung bastos pero wala siyang pakialam. Wala rin siyang pakialam kung di makakapunta si Amy. Dahil, kung di siya makakapunta, di na niya ito kaibiganin. Ganun kalakas si Topaz sa mga kabarkada niya.
Pagbaba ni Topaz sa hagdan ay nadatnan niya si Imelda, ang kanyang stepmom, na may kausap sa telepono! Pero, iba ang boses nito. Parang nangaakit. Lalaki ata yung kausap niya!
"Hoy, babae, saan ka ba pupunta?" mataray na tanong ni Imelda.
"Wala kang pakialam," matray na sagot ni Topaz. Di siya papayag na basta-bastahin lang siya ni Imelda.
"Heh. Basta wag ka nang babalik!" ani Imelda. Itinirik lang ni Topaz ang mata at padabog na lumabas. Sanay na siya sa ganung ugali ni Imelda. Tuwing wala ang ama, nakikipagtalik parati si Imelda. Pero kung andyan, ubod ng bait mapakanino man. Kahit kay Topaz.
Hindi rin sinasabihan ni Topaz sa ama tungkol dito dahil alam niya sa tamang panahon, malalaman at malalaman niya ito.
ווו×
"Buti naman at nakarating pa kayo," bati ni Topaz sa kakarating lang na mga kaibigan.
"Girl, alam mo naman di ka namin matitiis," ani Carl, ang bakla sa kanila.
"And we know na you're upto something. At naiintriga na kami!" excited na sabi ni Amy.
"Well, it's about the Luna thing," panimula ni Topaz.
"I just don't understand you, girl. Bakit ba super duper obsessed kang mapagbintangan si Luna girl," tanong ni Carl. Tiningnan lang ng matalim ni Topaz si Carl.
"Ayun nga. I'm sorry," paatras na sabi ni Carl.
"Well, sa totoo lang. I want to bully that girl, at the same time, prove that i'm right. Sa tingin ko talaga kasi, siya ang killer. Ang weird kaya ng babaeng yun," sabi ni Topaz.
"I agree with you, girl," sagot ni Amy.
"And I know just what to do," sabi ni Topaz habang nakaismid.
ווו×
"Thank goodness, gising ka na!" ani Xaifer. "Kamusta na ng pakiramdam mo?"
"B-bakit ba ako andito?" mahinang tanong ni Sachiko.
"Nawalan ka kasi ng malay kanina eh," sagot ni Autumn. Katabi nito si Xaofer at Jeno.
Inilibot niya ang kanyang panibgin sa buong silid. Nakita niya dun ang iba niyang kaklase pati ang guro.
"Pasensya na sa nangyari kanina, Sachiko," paumanhin ng guro.
Bigla na ring sumagi sa isip ni Sachiko ang nangyari. Nagkagulugulo pala sila sa silid aralan kamakailan lang.
"A-ayos lang yun sir," sagot ni Sachiko na may pilit na ngiti.
"Oo nga, sorry Sach," sabi ng isa pa noyang kaklase. Sumunod-sunod na rin sila sa pagpaumanhin.
"Okay lang yun. Di niyo naman kasalanan kung mahina ang immune system ko eh," nakangiting sabi ni Sachiko.
Napansin naman ni Sachiko na andun din pala si Luna kasama ang mga kaklase. Pero, di na ito nakayuko na tulad ng dati.
ווו×
'Magpakasaya muna kayo sa ngayon," isip ng killer.
Tingingnan niya si Sachiko na nakikitawa sa mga kaklase. Ganun din ang killer.
"Sach, gusto mo ba ng maiinom?" tanong ng killer sa kanya.
"Oo, salamat," nakangiting sagot ni Sachiko. Tumungo naman ang killer sa tapat ng cupboard upang kumuha ng baso. Tumungo rin siya sa tapat ng ref at kumuha ng malamig-lamig na tubig.
"Eto Sach, oh," nakangiting sabi ng killer at nakangiti.
"Salamat," ani Sachiko.
'Andali patayin ng babaeng 'to. Ang dali lasunin!' isip ng killer.
"Ang bait mo talaga forever, promise," pabirong sabi ni Jeno sa kanya.
"Tse!" natatawang sabi ng killer.
Bukas na bukas, maghahanda kayo.
ווו×
A/N Medyo maikli. Pasensya na. XD
BINABASA MO ANG
Picture [On-hold]
Mystery / ThrillerMas maganda kung mamatay ang isang tao na nakangiti, diba? Kaya, say cheese!