[11] At the Grapefarm

85 6 1
                                    

Chapter 11: At the Grapefarm

(A/N Warning: incest scenes.)

Blangkong tinitigan ni Topaz ang malamig na bangkay ni Kathery habang tinatago na ito ng mga pulis. Di man lang ito napaiyak, bagkus ay naging maluwag kahit papaano ang paki-ramdam nito.

"Bitch deserves this," isip niya. Nung papalayo na ang pulis ay palihim itong napaismid.

"Dapat lang sayo iyan, my half-sister," bulong niya sa sarili. "Bilang bunga sa pagsira sa pamilya namin."

Si Kathery ay ang kalahating kapatid ni Topaz sa ina. Nangaliwa kasi ang kanyang ina nung maliit pa lamang si Topaz. Kung tutuusin, batang-bata pa si Kathery para maging kaklase ang ate niya. Pero, sadyang advanced itong mag-isip, o yung tinatawag na genius.

Apat na taon si Topaz nung isang taon si Katherine Yssabelle Fajardo. Tatlong taon ang agwat nila. Dulot sa galit ng ama ni Topaz, pinatay nito ang ina niya. Galit rin ang ama nito kay Kathery pero di makayanan ng konsyensya nitong paslangin ang bata. Bagkus, ay pinalayo lang ito sa pamilya Jung, ang pamilya ni Topaz.

Kahit ganun ang nangyari, mahal ni Topaz ang ina. Pero, galit at poot ang naramdaman niya para kay Kathery. Sa napakamurang-edad, nakardam ito ng labis na poot.

At pinagkatagpo sila ng tadhana. Naging magkaklase sila ni Kathery. At dun nagkaroon ng panahon si Topaz upang pahirapan siya.

Kinuha niya ang loob ni Kathery at pinasali kasama ang mga alipores niya. Apat sila ang laging magkakasama. Sina Amy, JC at si Kathery.

Pero si Kathery ang parating kinakawawa sa grupo. Siya ang laging inuutusan ni Topaz. Tulad ng pagbili ng kanilang makakain, pagdala ng kanilang mga dalahin, paggawa ng homework.

Ayaw rin kasi si Kathery na humiwalay sa grupo nila Topaz. Takot kasi itong ma-bully. Iyon din ang banta ni Topaz kay Kathery. Pag-umalis ito sa grupo, aawayin at aawayin nila siya.

Pero ngayon, wala na si Kathery. Nabawasan na ang tinik sa lalamunan ni Topaz. Masaya na siya at wala na ang bunga ng kataksilan ng kanyang ina.

Patungo ng classroom si Topaz nang nadaanan niya sila Amy at JC na nag-iiyakan.

"Hoy nga bruha. Ang drama niyo. Para yun lang?!" pamungad nito sa kanila.

"Come on, Paz. Nawalan tayo ng kaibigan! How da--"

Pinutol ni Topaz ang sasabihin ni JC at napataas ang kanyang boses, "She's not my friend. She's just my maid. OUR MAID!"

Natahimik naman ang dalawa sa nasabi ni Topaz. Humihingal na si Topaz at umatras ng kaunti.

"So stop being a plastic bitch," mahinang dagdag ni Topaz.

"Plastic bitch?!" napatayo naman si Amy at hinarap si Topaz. "YOU'RE the plastic bitch. Wag mo kaming idamay sa kapunyetahan mo!"

Iyon ang unang pagkakataon na hinarap na ni Amy so Topaz. Napabilog naman ang mga mata ni Topaz at sinampal si Amy.

Tiningnan lang ni Amy si Topaz ng matalim at inayos ang sarili.

"You know what! I'm done!" galit na umalis si Amy palayo kay Topaz. Tumayo naman si JC at tinapunan ng inosenteng tingin si Topaz. Di parin ito makapaniwala sa nangyayari. Agad din naman itong tumakbo at hinabol si Amy.

Tumingin naman ng matalim si Topaz sa kinaroroonan ni Amy at JC habang naglalakad palayo.

"DI PA TAYO TAPOS! WE'RE NOT YET DONE, YOU BITCH!" galit na sigaw ni Topaz na siyang ikinagulat ng mga usisero at usisera na nakapalibot sa kaniya.

Picture [On-hold]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon