"Mei, di ka pa ba uuwi?" tanong ni Iya sa kaklase. Naghahanda na ito ng gamit para umalis, habang si Mei naman ay nakaupo parin sa desk habang tutok na tutok sa laptop.
"Di pa eh. Kailangan ko pa tong tapusin," sagot ng dalaga. "Eh, nakauwi na ba si Hara?"
"Di ko alam eh. Sige, Mei. Mauuna na ako."
Kasalukuyang nag-eedit si Mei ng kanilang videos at pictures para sa kanilang project. Siya kasi ang inatasang editor at lay-out designer sa grupo. Nagpasiya lang siyang magpaiwan para kung sakaling andiyan pa si Hara, ibibigay nalang niya ito sa kanya para mai-check ang gawa niya. Kilala naman kasi niya si Hara na matagal umuwi dahil varsity ito. Nagpapraktis 'to palagi para sa nalalapit na game niya.
"Maayos na siguro 'to," bulong ni Mei sa sarili. Inihanda na niya ang gamit upang umalis. Isinuot niya ang backpack niya at isinabit sa leeg ang DSLR. Paglabas niya ng classroom, napansin niyang magdidilim na at pauwi na ang mga varsity player.
"Nika!" tawag nito sa kaibigan. "Naka-uwi na ba si Hara?"
"Oo eh. Kanina pa, sinundo ng papa niya. Mauna na ako, Mei," sagot ni Nika.
Tumango na lamang si Mei at bumuntong hinga. "Sayang naman," bulong niya. Wala siyang magawa kundi umuwi na dala-dala parin ang laptop ni Hara.
Pagkalabas niya sa school, nadismaya siya nang nakita na walang tricycle na naka-abang at puno na ang mga dyip. Marami pang pasahero na naka-abang. Atat na atat nang umuwi si Mei dahil sa pagod. Kaya naisipan niyang dumaan nalang sa shortcut. Ngunit, di maiwasan ni Mei na magdadalwang isip dahil madilim ang kaniyang madadaanan at walang katao-tao.
"Pero, kailangan ko nang umuwi ng maaga. Baka pagdating ni Kei ay wala itong makain," isip niya. Si Kei ay ang kaniyang kambal. Pero, malaki ang kaibahan nila dahil kilala si Kei na spoiled at mahilig mag-party at maglalakwatsa. Pero kahit ganun, di nakaramdam ng kahit anong inggit si Mei para sa kanya. Bagkus ay mahal niya ito.
Nagsimula nang maglakad si Mei hanggang sa nakarating siya sa 'entrance' ng shortcut. Napalunok laway siya dahil sa takot. Mabuti nalang ay di pa masyadong madilim at kahit konti ay nakikita pa niya ang daanan. Bumuntong hinga siya at naglakad.
Halata sa mukha niya ang takot. Natatakot siya at nanginginig ang buong katawan. Wala siyang naririnig kundi ang sariling yabag ang paa.
Pero, paki-ramdam niya'y may sumusunod sa kanya. Lumingon siya sa kaniyang likod at dun siya nakaramdam ng labis na takot. May tatlong anino ng lalaki na nakasunod sa kanya!
Nagsimulang tumakbo ang dalaga at ramdam niya'y tumakbo na rin ang sumusunod sa kanya.
"Tulong! Tulungan niyo ako!" sigaw niya kahit alam niyang walang makakarinig sa kanya.
Huli na ang lahat nang naramdaman niyang may tumabon sa kaniyang ilong. May kakaiba itong amoy. Amoy mabango.
"Heto na siya," rinig niya sabi ng lalaki. Pamilyar 'to. Tumawa naman ang isa pang lalaki hanggang sa bumigay na siya.
black-out
****
Nagising si Mei na wala nang saplot. Nasa gitna na siya ng kadiliman at hinipo niya ang kaniyang ulo. May likido na umaagos mula rito. Halatang may tumama na bato rito. Napahagulgol siya sa inisip niya.
Ginahasa siya ng mga kaklase niya! At isa dun ay nobyo niya. Alam niya, dahil napakapamilyar ng presensya niya.
Tumingin siya sa kanyang gilid. Wala siyang makita pero may kung anong kumislap. Ang DSLR niya. Kinuha niya ito. Tiningnan niya ang mga litrato at dun niya nakita ang isang video. Ang video habang ginagahasa siya. Kita sa video na nagkakatuwaan ang nobyo niya at ang isa niyang kaklase. Ang isa naman ay ang nag-video.
Ngunit, di niya inaasahan na siya pala yun. Ang nag-video.
"Mga 'tol. Itutuloy niyo ba talaga yan?" tanong nung lalaki na nagvi-video.
"Oo naman!" sagot nung nobyo niya.
"E-eh. Sobra na eh. Masama na iyan," sagot nung cameraman.
"Hahaha! Nagseselos ka lang Clifford. Alam kong may gusto ka sa babaeng 'to. Ikaw kaya muna!"
Napaiyak naman lalo si Mei habang tinatakpan ang bibig. Ang sama nila!
"A-ayoko! Diba sabi niyo walang ganyanan?! Tatawag ako ng pulisya!" sabi niya at nahulog ang DSLR sa lupa. Pero kita rito na pinipigilan nila si Clifford.
"Bobo ka ba?! Madadamay ka lang rin. Di mo ba inisip yun?" sabi nung kaklase niya habang itinaas ang kwelyo ni Clifford.
"Hahaha. Inlab ata 'to eh. Sige, magsama kayo ng babaeng yan!" at inihampas ng kanyang nobyo ang ulo nito sa ulo ni Mei.
Lumingon-lingon si Mei at ginawang ilaw ang DSLR. At dun niya nakita ang katawan ni Clifford! Unti-unti itong nagkakamalay na siyang ikinagalit ni Mei.
"Hayop kayo! Ang bababoy niyo! Binaboy niyo ako!" galit na sigaw ni Mei.
"M-mei! Pasensya na. D-di ko akalain na gawin nila sayo yun!" depensa ni Clifford habang umiiyak. "D-di ko naman yun kayang gawin sayo yun Meiko. Mahal kita!"
Napa-iling nalang si Mei at napatingin sa DSLR. Nagpe-play parin ang video.
"Itutuloy na ba natin ang plano, pre?"
"Oo. Pero, silang dalawa na ang target."
"Hahaha. Osiya!" itinaas naman ng nobyo niya ang kutsilyo at isinaksak ito sa bewang ni Mei.
Hinipo naman ni Mei ang bewang at naramdaman niya ang sugat. Di ito masyadong malalim at makakayanan pang dalhin sa ospital. "Ang tatanga nila! Hahaha! Di pa ako patay! Halatang mga bobo!" malakas na sigaw ni Mei habang tumatawa.
Nakakita naman siya ng isa pang kislap. Kutsilyo.
Kinuha naman niya ito at napangiti. Di talaga sila marunong umisip! Gagawa nalang ng krimen, sablay pa!
"Di ko kayo mapapatawad! Papatayin ko kayo! KAYONG LAHAT!" wala sa sariling katinuan na sinabi ni Mei. Isinabit niya ang kaniyang DSLR sa leeg at isinuot narin ang bag niya. Lumapit siya kay Clifford at binigyan ito ng ngiti.
"M-mei... Patawarin mo ako. M-mahal kita!" pagmamakaawa nito sa dalaga. Itinaas ni Mei ang mukha nito gamit ang kutsilyo upang makita siya ng maayos.
"Pero, diba sabi ko, DI KO KAYO MAPAPATAWAD! NAKAKADIRI KAYO, ANG BABOY NIYO!" sigaw nito sa kaniya. "At hinding-hindi ako makakagusto sa katulad mong LAMPA! Matakutin. Sana ginahasa mo na rin ako, para mapatunayan ang lakas mo. Pero, nadamay ka lang rin. Andito ka sa tabi ko, sugatan. Ayoko sa mga tulad mong LAMPA!" at sa pagkasabi niya nito, diretso niyang tinusok ang kutsilyo sa leeg nito. Inikot pa niya ito at itinanggal. Dun umagos at tumalsik ang napakadaming dugo ni Clifford sa mukha ni Mei!
Napatawa naman ng malakas si Mei. Nagsimula naman itong sumuka ng dugo at napahiga. Dilat na dilat ang mata nito at mukhang nakakita ng multo!
Itinutok naman ni Mei ang camera sa mukha ni Clifford.
"Say cheese!"
*click*
××××
Hohoho, brutalness! XD Marami pang brutal scenes ditey, kung trip niyo ang eery and disgusting imagines, read on! Pero kung di kaya ng sikmura, ang lampa mo! Ayaw ni Mei ng mga lampa!
Jowk. XDv
Comment naman kayo diyan, oh. :3
***Idinedicate ko po ito sa iniidolo ko pagdating sa horror na si Kuya_Soju. Hi idoool! XD
BINABASA MO ANG
Picture [On-hold]
Mystery / ThrillerMas maganda kung mamatay ang isang tao na nakangiti, diba? Kaya, say cheese!