Chapter 4: Dark Side
Tulalang-tulala si Sachiko habang minamasid ang napakagandang tanawin. Kasalukuyan siyang nasa cafeteria para tumambay at mahiwalay sa kanyang gumugulong mundo. Simula nang namatay si Ruth, natatakot na siya. Di na siya mapakali, na baka'y mamamatay siya sa anumang oras. Alam naman niya sa sarili na pwedeng mali ang kutob niya na kasama lang nila ang killer. Dahil, pwede naman na may nakapasok lang na psycho na di napansin ng gwardya. Pero, sa pagka-disenyo ng pagpatay, mukhang mag personal ito na galit.
"Huy, Sach!" bati sa kanya ng nakangiting si Autumn. Lagi talagang masiyahin ang dalaga. Kahit namatayan ito ng matalik na kaibigan, parang di siya ganun ka-apektado. Pero, alam ni Sachiko na sinusubukan lamang itago ng kaklase ang kanyang nararamdaman.
"Bakit Autumn?" tanong ni Sachiko sa kaibigan habang may pilit na ngiti. Umupo si Autumn sa bandang harap ni Sachiko at inilabas ang laptop sa bag.
"Wala. Gusto ko lang maki-upo. May naka-reserve ba dito?" ani Autumn at tumingin sa kanyang laptop at nagsimulang mag type.
"Wala naman. Sige, upo lang," panigurado ni Sachiko sa kaibigan. Sumulyap naman si Autumn kay Sachiko at nginitian ito. Bumalik ito ng tingin sa laptop at nag-type muli.
"Thanks," simpleng sabi nito. "And, sorry kasi medyo busy, eh," dagdag pa nito.
"Okay lang," ani Sachiko at bumalik ang tingin nito sa tanawin. Medyo di kumportable si Sachiko dahil sa tahimik. Pakiramdam kasi niya minamasdan ito ni Autumn at hinuhusga ang galaw niya kahit tutok na tutok si Autumn sa laptop. Ganun lang kasi talaga si Sachiko, madaling ma-paranoid.
"By the way Sach. May shoot nga pala tayo for tomorrow. Mag-ready ka ha?" paalala ni Autumn sa kaklase. Tumango na lamang si Sachiko at ngumiti.
Nabigla sila nang may narinig na away mula sa di masyadong kalayuan sa kanila. Bigla namang kinabahan si Autumn at nangangatog.
"P-puntahan natin!" suhestiyon ni Sachiko.
"A-ayoko. Kinakabahan ako," ani Autumn.
"S-sige. Dumito ka nalang. Titingnan ko lang kung anong nangyari," tumayo na si Sachiko at umalis habang iniwan si Autumn na kinakabahan.
ווו×
Nadatnan ni Sachiko na may dalawang babaeng nag-aaway. Napapalibutan sila ng iba't-ibang estudyante. Pero, nagulat siya nang makita kung sino ang nag-aaway. Si Jessica at Topaz!
Lumapit pa lalo si Sachiko upang mas marinig ang pinag-awayan ng dalawa. Na-iintriga kasi talaga ito.
"Wag na wag mo akong pagbibintangan dahil wala kang karapatan!" ani Jessica. Napakunot noo naman si Sachiko sa narinig sapagkat di niya alam ang pinagsasabi nito.
"Paano ba ako hindi magdududa sa'yo, Jessica. These past few days, you always remind us to forget what happen and make it pass like an useless fly," mahina at kalmadong sabi ni Topaz. Pero, halata ang inis at kampante nito sa sarili sa pamamagitan ng pagsasalita niya.
"Kaya ko naman ginagawa 'yun upang mapigilan na 'yang pag-away niyo sa Luna na 'yan," ganti ni Jessica. Napatakip bibig nalang si Sachiko.
Tama si Topaz. Sa mga nakaraang araw, lagi nalang sinasabi ni Jessica na kalimutan nalang ang nangyari. Pero, ayaw niyang pumanig kanino man. Ayaw niyang humusga agad. Lalo na't hindi ganun mapagtiwalaan si Topaz.
Umiwas na sa grupo ng mga tao si Sachiko upang balikan si Autumn sa cafeteria.
At ang demonyo at nasisiyahan sa mga naganap.
ווו×
"Andito ka na pala, Autumn," bati ni Sachiko sa kaklase. Wala na kasi si Autumn sa cafereria kaya nagpasiya nalang itong tumambay sa silid-aralan.
BINABASA MO ANG
Picture [On-hold]
Mystery / ThrillerMas maganda kung mamatay ang isang tao na nakangiti, diba? Kaya, say cheese!