[9] Limited Bliss

79 8 3
                                    

Chapter 9: Limited Bliss

"Woohooo! Nanalo tayo!" masiglang sigaw ni Jihara sabay talon. Naglalaro kasi sila ng volleyball sa private beach na pagmamay-ari ng pamilya ni Lyanne. Napaisip kasi si Lyanne na dapat makapagsaya muna sila kahit sandali dulot sa hirap ng mga proyekto sa school.

Matagal-tagal na rin nung huling nangyari ang sunod-sunod na insidente. Sa katunayan ay, nakapagmove-on na ang mga ito. Mahigit dalawang buwan na rin kasi. At may natitira pa silang tatlong buwan para sa katapusan ng klase.

"Nice game!" ani Jacob sabay nakipagkamay sa kabilang kampo. Ganun din ang ginawa ng kabilang panig. Boys vs. Girls kasi ang laban, pero tinalo padin ng mga babae ang lalaki kahit ganun.

"Oy! Di na ba kayo titigil dyan? Halina't kumain!" alok ni Autumn sa mga kaklase habang nakangiti.

"Yes! Tomguts na rin ako, tamang-tama!" ani Kristoff sabay himas sa tyan nito.

"Palagi naman!" kutiya ni Jacob sa kaibigan. Patay-gutom kung maituturing si Kristoff, pero kahit ganun, toned parin ang katawan nito na siyang ikina-insecure ng ibang lalaki.

"Pero ako, di tumataba!" pagmamayabang pa nito.

"Tse! Tama na iyan! Nasa harapan tayo ng hapag. Magrespeto nga kayo!" mataray na sabi ni Dianne, isa sa pinakamataray.

"Pfft. Ang cheap. Why barbecue?! At, sunog pa!" reklamo ni John Carl sabay pameywang. Bakla ito na kasali sa mga minions ni Topaz. JC ang tawag sa kanya.

"Tch. Tulad mo, sunog!" banat pa ni Kayla. Nagtawanan naman ang magkaklase sa narinig. Di kasi maputi itong si JC at pumuputi lang ito pag nililiguan ang sarili sa pulbos.

"Magdasal muna tayo," ani Claire. Yumuko naman ang magkakaklase bilang pagbigay-pugay.

"Sa ngalan ng ama, sa anak, at esprito santo, amen," panimula nito. "Lord, maraming salamat sa araw na ito. Salamat at andirito kaming lahat, nagsasama bilang isang pamilya. Ipinagdarasal rin po namin ang yumaong mga kaluluwa ni Ruth at Jessica. Sana po, masaya sila kung nasaan man sila. At sana po, maipagpatuloy ang ganitong sigla namin magkaklase bilang pamilya. Kayo na po bahala amin, Lord! Amen!"

"Amen!" ani pa ng iba.

"Sa ngalan ng Ama, ng Anak, ng Espirito Santo, Amen!" masiglang panapos nilang lahat.

"Tingnan natin kung sasagutin ng diyos niyo ang mga panalangin niyo. Malapit ng matapos ang inilaan kong limited bliss sa inyo," iyon ang nasa isip ng killer. Kasalukuyan siyang nakisama sa mga estudyante na magdasal, kuno.

"Tsibugan naaa!" pasigaw na alok ni Harry sabay kuha ng apat ng stick ng barbecue.

"Grabe ka, Harry! Parang mauubusan ka naman ng barbecue dyan!" kantyaw ni Sachiko sabay kuha ng dalawang stick.

Sa kabilang banda naman ay si Luna. Pinilit kasi ito na isama ni Lyanne. Sabi kasi nito na dapat kumpleto ang magkakaklase. Kaya't naisipan na rin ni Luna na sumama. Di na rin siya tulad nung dati na laging nag-iisa. Kasama na nito paminsan si Jeno.

"Kumakain ka ng kinilaw?" pamungad ni Jeno sa kanya sabay lagay ng konting kinilaw sa plato nito. Nginitian lang ito ng kaunti ni Luna.

"Hindi," tipid na sabi nito sabay lagay ng isang slice ng maja sa plato.

"Haaays. Natututo na rin pala ang killer makipaglandian," pagmamarinig ni Topaz sabay kuha ng kinilaw. Sa loob ng limang buwan, di parin nagsasawa si Topaz na ibully si Luna. Pero nang dahil kay Jeno, nakayanan niya ito kahit papaano.

"Paz, not now," ani Jeno sabay tingin ng pagbabanta kay Topaz. Tinaasan lang sila ng kilay nito at mataray na lumayo.

Nahihiya namang tumingin si Luna kay Jeno at ngumiti. "Th-thank you," bulong niya.

Picture [On-hold]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon