Chapter 8: Secret
"J-Jeno!" tawag ni Jihara sa kaklase. Magkasama sila ni Liyanne na lumapit kay Jeno. Umiiyak si Liyanne at si Jihara ay bakas sa mukha ang pag-aalala.
"B-bakit? Anong problema?" nagtatakang tanong ni Jeno.
"It's Jessica... she' dead..." umiiling na sagot ni Liyanne. Parang gumuho ang mundo ni Jeno sa narinig. Napasimangot naman siya at marahas na hinawakan ang balikat ni Liyanne.
"Paano?! Saan mo nakita? Anong nangyari?!" hinihingal na tanong ni Jeno.
"At the classroom... look!" ani Liyanne habang nakaturo sa silid-aralan. Agad naman na tumakbo si Jeno papalapit sa silid, at dun niya natagpuan ang kanyang mga kaklase na nagkakagulo sa loob. Ang iba ay nag-iiyak, nagwala, natutulala, naiinis.
"J-Jeno..." usal ni Sachiko. Tumingin lang si Jeno sa kanya na nagtataka. Umiling naman si Sachiko at yumakap sa kanya. Yumakap na rin balik si Jeno at hinahampas ng marahan si Sachiko. Di siya makapaniwala na wala na ang pinakamamahal niya!
"S-sabihin mong hindi totoo yan, Sachiko! Hindi yan totoo!!!" galit na sigaw ni Jeno na may luha na tumutulo. "Hindi patay si Jessica!"
"J-Jeno! Tanggapin mo na. And i'm sorry for your loss. Pero ikaw nalang ang pinagkakatiwalaang pinuno ng klase," naiiyak na sabi ni Sachiko. "I'm sorry, Jeno..."
Tumingin naman siya sa isang dingding. Dun sa dingding na iyon nakalagay ang mga litrato sa pagpaslang kay Jessica. Kita dun ang nasusunog niyang mukha habang umiiyak. May nakapatong ring mga lemon sa nasusunog na mukha nito. Napahagulgol na ng malakas si Jeno habang hinihimas-himas ang mga litrato.
"Kung sino man ang gumawa nito.... SANA MAMAMATAY NA SIYA!!" galit na sigaw ni Jeno sa buong klase. Namumugto na ang nga mata nito at nanginginig na sa poot.
Napatigil naman ang makakaklase sa kanilang iyakan at tiningnang takot si Jeno. Nakayukom ang palad nito at parang gusto na talagang pumatay!
"Si Luna ba ang may gawa nito?!" tumingin siya nang galit kay Luna at si Luna naman ay napa-atras ng konti, pero nanatili ang tipikal na blankong ekspresyon sa mukha nito.
"J-Jeno... wag kang padala..." mahinang sabi ni Autumn. Tiningnan lang siya ng masama ni Jeno at nilapitan ito.
"H-Hindi mo talaga maiintindihan no? Namatayan ako, Autumn. NAMATAYAN AKO!" sigaw nito sa kanya sabay turo.
"BAKIT?! IKAW LANG BA ANG NAMATAYAN? AKO DIN, JENO, NAMATAYAN NG BESTFRIEND! ALAM NA ALAM KO ANG NARARAMDAMAN MO!" at sa wakas ay nailabas na ni Autumn ang hinanakit. Bigla niyang naalala ang pagkamatay ng kaibigan at bumuhos ulit ang mga luha niya. "Pero, sana naman, subukan mong maging matatag! Wag ka rin sana bigla-bigla nalang magbintang!"
Lumingon-lingon naman si Jeno sa paligid. Nakikita niya ang mga takot na kaklase. Ang iba nama'y nagtapang-tapangan. Tiningnan niyang muli si Autumn na humihikbi sa harapan nito. Niyakap na rin niya sa wakas si Autumn.
"P-Pasensya na... Di ko nakontrol sarili ko," umiiyak niyang bulong. Dun sila nagyakapan upang mailabas ang hinanakit. Kumalas na rin si Autumn sa yakap at tiningnan ng makabuluhang tingin si Jeno. Dahan dahan namang pumunta si Jeno sa harapan ng mga kaklase at pinunasan ang mga luha.
"Guys... settle down. Maupo muna kayo at may pag-uusapan tayo. Spade, Jacob, paki-sara naman ng pinto," utos ni Jeno sa mga kaklase. Nang sa wakas ay napaupo na rin sila, bumuntong hinga si Jeno at nagsimulang magsalita.
"Di natin 'to pwedeng ipaalam sa iba. Sikreto natin 'to. Ipapa-media block natin kung may mga pulisya na nakaka-alam. O, kung pwede, itago natin 'to, ninuman," ani Jeno sa mga kaklase.
"What?!" tutol ni Amy. "Why?!"
"Eh kung mamamatay kami, di rin kami mabibigyang hustisya at mananatiling sikreto ang pagkamatay namin!" sigaw ni Iya. "At di naman makatwiran iyon!"
Bumabaha naman ang pagsasang-ayon at pagtutol sa suhestiyon ni Jeno.
"Magtutulungan tayo! Tayo mismo ang maghahanap sa killer na iyon!" alok ni Jeno. "Di natin kailangan ng pulisya o imbestigador para dito. Tayo-tayo lang rin ang makakahuli sa walanghiyang yun!"
Napatango naman ang ibang estudante sa pagsang-ayon. Pero tumayo si Topaz upang ipalabas ang opinyon.
"Paano ba natin mahuhuli yun killer na yun, if nasa atin lang rin siya. Like, Luna," mataray na saad ni Topaz sabay turo kay Luna.
"Ayun nga eh. Maghahanap tayo ng ebidensya sa mga pinagdududahan natin!" sigaw ni Amy.
"Hindi! Sabi mo, magtutulungan tayo bilang pamilya. Pero, Amy, diba parang pinagta-traydor natin ang isa't isa kung ganun?" tumayo naman si Valentine. Si Valentine ang isa sa pinaka-mabait sa klase, pero mataray kung maka-away.
"SHUT UP!" sigaw ni Jeno. "We can make it! Guys, agree with me! Itago lang natin 'to..."
"Okay... itatago natin," tumayo si Jihara at sumang-ayon.
Ganun na rin ang ginawa ng iba hanggang sa lahat sila ay nakatayo na. Nabigla naman sila nang may narinig silang kumakatok sa pinto.
"Shit! Harold, kunin mo lahat ng litrato! Itago mo, bilis!" utos ni Jeno. Agad namang pinunit lahat ni Harold ang mga litrato at tinapon sa basurahan. Binuksan naman nina Xaifer at Jacob ang mga pinto at bumungad rito ang nagtatakang mukha ni Thyrone.
"Good morning, sir Thyrone," bati ng mga magkakaklase sa guro. Natatawa naman ang guro at pumasok.
"Nakakatuwa naman kayo tingnan. Ano bang nakain niyo, at bumait kayo?" pabirong tanong nito habang inilapag ang mga libro sa ibabaw ng mesa.
"Pfft... sir, palagi naman kaming ganito eh," kalmadong sabi ni Anthony. Nanliit naman ang mga mata ng guro at umiling.
"I dunno. Baka nga di parin ako nasanay," ani niya at umubo. "Okay, let's start the lecture."
ווו×
"Sachiko..." pamungad ni Xaifer kay Sachiko. As usual, mag-isa nanaman ito sa cafeteria sa may terrace. Naka-harap sa kanya ang laptop nito kahit di naman niya pinagtuunan ng pansin dahil nakatulala lang siya sa tanawin.
"Oh, Xaifer. Maupo ka," alok nito sa kaibigan.
"Salamat. Di mo ba napapansin na kakaiba ang kinikilos ni Sir?" tanong ni Xaifer kay Sachiko. Napagtuunan naman ito ng pansin ni Sachiko at interesadong nakinig kay Xaifer.
"H-hindi. Bakit mo naman nasabi yun?" nagtatakang tanong ni Sachiko.
"Eh, tulad ng sinabi ni Anthony, ganun parati ang kinikilos natin. And as I observed, di naman tayo mahahalata. Kalmado lang tayong tingnan."
Kumunit-noo naman si Sachiko at napatawa ng konti. "So, sinasabi mong, kahinahinala si Sir Thyrone?" tanong ni Sachiko.
"Sorta," nagkibit balikat si Xaifer at inayos ang upo.
"Napansin ko mga rin yun," ani ng boses galing sa likod ni Xaifer. Si Jeno at Anthony.
"Parang may kinalaman si Sir eh," komento ni Anthony.
"B-bakit niyo naman nasabi yun? Di kaya, di lang natin alam na obvious na tayo?" tanong ni Sachiko.
"Pwede rin..." bulong ni Xaifer habang tumatango.
"Ang akin lang naman, di dapat tayo basta-bastang humusga. Baka naman may dinadalang problema si Sir, diba? Kaya, medyo lutang siya at wala sa sarili," nakangiting sabi ni Sachiko na siyang ikinangiti na rin ng iba, maliban kay Anthony.
"You're quite right. Pero... I'm still not that convinced," ani Anthony sabay lakad palayo.
ווו×
BINABASA MO ANG
Picture [On-hold]
Mystery / ThrillerMas maganda kung mamatay ang isang tao na nakangiti, diba? Kaya, say cheese!