[14] Reel Deal

59 4 0
                                    

Chapter 14: Reel Deal

Masiglang pumasok si Autumn sa classroom nila. Excited kasi siya dahil sa araw na iyon ipapalabas ang kanilang mga movie. Lalo na't malaki ang parte niya sa kanilang palabas.

"My gosh guys! Film fest na ngayon! So excited!" pamungad ni Autumn kina Sachiko, Xaifer, Spade at Harry na nagkukwentuhan.

"Oo nga eh. Astig kaya ng rolo ko dun!" pagmamayabang ni Harry.

"Peymwhore! Janitor ka lang kaya!" singit ni Kristoff na kakarating lang din at inakbayan si Harry.

"Mamayang gabi pa yun diba?" tanong ni Spade.

"Opo!" sagot ni Autumn, "Dami nang arte ng school na 'to eh. Kailangang ipa-gabi. Hehe."

"Astig! Parang movie night lang!" komento ni Harry.

Napatigil naman sila nang dumating na si teacher Thyrone. Nagsibalikan na rin sila sa kanilang mga upuan.

"Class, pumunta ba kayong lahat sa burol ni Kathery nung isang araw?" tanong ng guro. Tumayo naman si Jeno upang sagutin ang tanong.

"Sir, si Topaz lang po at si Luna ang di dumating," sagot ni Jeno at umupo. Tumango naman si Thyrone at tumingin sa kaniyang class records. "Okay! Maga-attendance lang tayo. Ashton, Lyanne?"

"Here sir."

Nagpatuloy ang kanilang paga-attendance hanggangvsa natapos sila at nalamang absent ang anim sa kanila.

"Andami nating absent ngayon, ah." umiiling na komento ng guro. "Hindi ba kahapon pa absent yung lima?"

"Yes sir. Ngayon lang po absent si Topaz," sagoy ni Xaifer. Siya kasi ang Class Secretary.

"Lalo na si Ms. Roslinda. Hindi umaabsent yun eh. Lalo na't scholar iyon. Sino bang kapitbahay ni Claire dito?" tanong ng guro.

Wala namangvtumaas ng kamay pero tumayo si John Carl. "Sir, sa pagkakaalam ko po, nag-group homework sila nung nakaraang gabi. Pero, di po kasama si Topaz."

"I see. If someone's got information, just inform me. Now, bring out your notebooks or tablets and copy this notes."

ווו×

Umupo si Topaz sa veranda ng kanyang kwarto habang humihithit ng sigarilyo. Wala ito sa mood na pumasok. Marami na siyang walang nagawa. Di siya nagtagumpay sa pagsira sa reputasyon ni Luna na pinlano niya matagal na, at ang pag away kay Amy. Inis na inis talaga ito sa babae!

Napatigil naman siya sa paghithit nang nagring bigla ang kanyang cellphone. Sumimangot naman siya at sinagot ang tawag. "Hello?"

"Topaz, hija?"

"Oh, tita? Napatawag kayo?" ang ina ito ni Amy.

"Si Amy kasi... andiyan ba siya?"

"W-wala po." lihim namang natutuwa si Topaz. Alam niyang di maganda ang nangyari kay Amy.

"Nawawala kasi siya..." malungkot na sabi ng ina ni Amy.

Walang salitang muling inimik si Topaz at in-off ang linya. "Hmm! Dapat lang iyon sa bitch na iyon. Tadhana na mismo ang tumalo sa kanya."

Napangisi naman siya at humithit muli ng sigarilyo. Pero kalahati parin siyang naiinis dahil ayun nanaman ang bruhildang babae ng kanyang ama na may kalandian sa telepono. Parati nalang ganun. At sobrang lakas pang makipaglandian! Uminit lalo ang ulo ni Topaz.

ווו×

Lunch time na nila at naglakad si Sachiko patungong cafeteria nang may biglang tumakip sa mga mata niya. Duda niya si Xaifer nanaman iyon at mangungulit.

Picture [On-hold]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon