CHAPTER 16 LPP

2.2K 46 9
                                    

*JOEY'S POV*

"Smile, Joey."

Nandito pa rin kami ni Xander sa stage. Nakangiti sa lahat. Hinihigpitan niya yung hawak sa beywang ko na para bang ayaw niya na kong bitawan.

Siguro nakita niya yung reaksyon ko nung makita kong lumabas ng gathering hall si Jonas.

Sobrang namimiss ko siya. Pero he doesn't deserve my love.

Pinagpalit niya ako kay Buni diba? Ayun oh yung red kung red mukha namang dikya.

Oy, baka isipin niyo ang sama ko. Hindi naman.

I'm just honest.   ^_^

Okay sige siguro nga maganda siya. Pero kung anong kinaganda niya,

Singpangit ng ugali. Naaalala ko pa nga noon, fan na fan ako ni Bonnie. Kami na ni Jonas nun pero 6 months pa lang kami at alam niyang die hard fan ako ni Bonnie.

Magaling kasi siya umarte at sumayaw. Kaya tuwang-tuwa ako sa kanya.

Kaya nga halos halikan ko ang mga paa ni Jonas my loves para lang ipakilala niya ako kay Bonnie, lalo na't co-star niya ito.

Pero lagi niyang sinasabi,  "Wag na, madidismaya ka lang."

Pag tinatanong ko kung bakit, ayaw niya magsalita.

At dumating din yung araw na finally naawa na ang aking boyfriend sakin.

Hindi, joke lang. Tinakot ko kasi siyang ipa-flush ko sa toilet yung cellphone niya pag di niya ko sinama sa dinner niya with Bonnie.

Matalino ata to!

Tuwang-tuwa ako nun. Bumili pa ko ng bagong dress para lang sa pagkikita namin. Ang balita ko kasi mabait siya at sobrang sarap kasama.

EEEENNKK! WRONG ANSWER MISS MARASIGAN!

Paano ba naman kasi, nandun ako sa tabi ni Jonas habang hinihintay si Bonnie. Dumating siya after a few minutes, excited na excited ako. The first words she said to me was..

"Parehas kayo ng dress ng Maid namin!"

At nung mismong araw na yun ay isinumpa ko na ang nilalang na nagngangalang Bonnie dela Pena.

Pati na rin ang matching dress namin ng maid nila ay isinumpa't sinunog ko.

Paano ba naman wala siyang ginawang iba kundi landiin nang landiin si Jonas. Kulang na nga lang di na siya umorder ng ulam dahil tingin pa lang niya kay Jonas eh solve na solve na siya no. 

Muli main dish hanggang dessert si Jonas ata ang nakahain sa paningin niya.

At hindi niya ina-acknowledge ang presence ko ha. Buti na lang mabait ako at di ko naisaksak sa baga niya yung tinidor na hawak niya.

Sabi sa inyo eh, mabait ako.

"Joey, ano ba mukha kang tanga dyan! Halika na."  bulong sakin ni Xander.

Napahaba ata ang kwento ko. Sensya naman.

Nakangiti samin ang lahat, Puro congrats at welcome ang naririnig ko mula sa mga tao. Nakakatitig sila samin maigi.

"Well if it isn't Miss social climber? Anong ginagawa mo dito? Ang alam ko bawal HAMPASLUPA dito."

Aba't! Eh kung siya kaya ihampas ko sa lupa! Sumosobra na talaga tong hitad na to ehh. Please pigilan niyo ko! Ibabaon ko talaga sa lupa yan!

Kaya lang, bilin ni Xander at Manny wag daw akong mag-eeskandalo. Dapat poised and collected. Palalampasin na muna kitang hitad ka pasalamat ka ang ganda ko ngayon.

Let's Play Pretend (KathNiel FanFic) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon