CHAPTER 25 PART 2

2.1K 36 8
                                    

HELLO. PICTURE OF JOEY'S OUTFIT SA SWIMMING ON THE SIDE. YEHEY. :) 

*JOEY'S POV*

"BOO!"

Napatalon ako.  "HAHAHAHAHA."  Si Xander pala.

"Mokong ka talaga. Nakakainis ka bakit ka nanggugulat?"

"Eh kasi naman mukha kang emo dyan."

Tinalikuran ko na lang siya. Bahala ka.

Kinakalabit niya ko.  "Uy."

Di lumilingon ang lola niyo, maarte ehh.

"Uy, Marasigan."

"Uy, sorry na okay? Eh kasi naman ehh ang cute pala ng pwet mo."

Hinarap ko siya at pinalo ang braso niya. "Manyak ka talaga."

nginitian niya lang ako.  "Joke lang. Tara swimming tayo?"

"Ayoko, mag-isa ka."

"Sorry na nga ehh, sige ganito na lang. Para makabawi ako sayo, labas tayo mamaya. Tayong dalawa lang."

"Tayong dalawa lang?"

Bigla siyang namula.  "A-ahh O-oo. Kung gusto mo lang naman pero ayos lang naman kung ayaw mo kas-"

Pinigil ko ang pagsasalita niya ng daliri ko.  "Sige. Libre mo ahh. Six o'clock."

"Kahit kelan talaga ang PG mo. Sige na nga."

Pumalakpak ako at naglakad palayo.

"Teka, saan ka pupunta?"

"Kay Allenne, may aasikasuhin lang ako."

*knock* *knock*

"Oh, Ate. Ikaw pala. Pasok ka."

Pumasok ako sa cabin ni Allenne at humiga sa kama nya.

"Kapatid, kailangan ko ang tulong mo."

"Bakit?"

"Aalis kami ni Xander mamayang 6:00. Hindi ko alam kung ano isusuot ko."

"Teka, date ba to?"  nakangiti ng malaki si Allenne.

"H-hindi ahh. Lilibre niya lang ako."

"Sus. Ganun na rin yun. Teka, sasama ka ba?"

"Saan?"

"Sa tubig malamang. Ano bang ginagawa sa beach?"

"Ayoko, kayo na lang."

Hinila niya ang braso ko.

"Dali na. Para maipakita mo naman yang sexy mong katawan dito sa beach."

"Mangilabot ka nga sa sinasabi mo Allenne. Ako? Sexy?"

She folded her arms over her chest.  "Gusto mo ba talagang maagaw ng mga malalanding kababaihan sa labas yang si Xander?"

"Bakit naman ako mag-aalala? Kaya niya na yun."   sabi ko naman.

Binuksan niya yung bintana.

"Sure ka talaga diyan Ate ha?"

"Bakit?"

"Tignan mo."

Sumilip ako at nakita kong nakaupo si Xander sa bench at nakaboard shorts ng walang t-shirt.

At eto pa, napakaraming linta sa kapaligiran.

"Ang bilis naman ng radar ng mga hipon dito."  sabi ko.

Sabay kaming natawa ni Allenne.

"Ate, baka linta. Kaya halika dito."   hinila niya ako papunta sa suitcase niya.

Let's Play Pretend (KathNiel FanFic) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon