CHAPTER 4 LPP

2.7K 41 5
                                    

*XANDER'S POV*

"And now, please welcome the hottest leading man of this generation,

Xander Montenegro!"

palakpakan nang palakpakan naman tong mga to.

Tss. mga plastik. Alam ko namang nandito lang sila para pudpurin ako ng tanong.

Kalat na kasi sa buong pilipinas yung so-called

"MOST CONTROVERSIAL BREAK-UP OF THE YEAR."

Sus, dinaig pa namin sina Brad at Angelina nito ehh.

ewan, bahala na. Ngingitian ko na lang ng pagkalaki-laki tong mga to nang matapos na.

I beamed at them as happily as I could.

At paniwalang-paniwala naman sila.

Ganito talaga ang showbusiness, punong puno ng peke.

Ang mga tao, tinabunan na ng make-up at contact lens.

They're all airbrushed to perfection.

Umupo na ko. Nandtito kami ngayon sa isang hotel na malapit din sa ETV. Nagsimula na yung presscon. Kahit ang lakas ng ulan sa labas, hindi natinag tong mga to.

Basta may chismis, di papaawat.

"Magandang umaga po." I flashed my award-winning smile.

Tuwang tuwa naman sila kala mo totoo kami sa isa't isa eh no?

"Okay, I am Manny Regardo, the manager of Mr. Montenegro. We will get to all of your questions today. Isa-isa lang po. Let's keep it orderly. Okay, yes? Ikaw?"

Tumayo yung isang press.

"Goodmorning Mr. Montenegro, quick question from Chikka.net. Ano pong masasabi niyo sa naturang sweethearts na sina Bonnie dela Pena at Jonas Cuervo?"

Sabi ko na ehh. Tss.

"Miss, It's really not my story to tell. I mean, sabi nga nila they have a very open relationship. Sa kanila niyo na lang itanong."

ngumiti muli ako pero pilit.

"Okay, next?"

tumayo yung isa. nakablack na lalaki.

"Mr. Montenegro, totoo ba na niloko mo si Bonnie dela Pena kaya ka nya hiniwalayan?"

tss. sabi ko na ehh. Here we go.

"Walang katotohanan yan. Hindi ko alam kung bakit may lumalabas na ganyang mga issue. Minahal ko ng sobra si Bonnie, but it seems na hindi ako sapat para sa kanya."

i pretended to look hurt. kinagat naman ng media. naawa ang mga press sakin.

SCORE!

lihim na ngumiti sakin si Manny. I know he realized my game plan.

Magpaawa sa press, unahan si Bonnie.

Lahat ng simpatya ng tao, nasa akin.

Stupid fans. HAHA.

"Okay, people. We have to wrap this up. Masyado nang napagod si Xander ngayong araw. So, if you'll excuse us, we have to leave."

Nagkagulo ang media habang papalabas ako ng presscon. Lahat gustong kumuha ng video, pictures, anything.

Ang kukulit nila, kung hindi lang masisira ang image ko minura ko na tong mga to ehh.

Sumakay na kami ni Manny sa limo. May pupuntahan pa kasi akong taping ngayon, ayokong ma-late.

Let's Play Pretend (KathNiel FanFic) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon