CHAPTER 9 LPP

2.2K 37 1
                                    

*JOEY'S POV*

"Ate sige na isang autograph lang."

"Bawal."

"Anong bawal bakit girlfriend ka ba ha? Sayo ba yan ha?"

"Bisita ko. Ako magdedesisyon. Hala sige pasok dun sa kwarto dali!"

"Eeeehhh. Ate dali na. Ang damot naman nito sa grasya. Minsan na nga lang ako makawitness ng ganyan kagwapong nilalang pinagkakait pa. Ito talaga."

"Ang O.A. mo naman. Sabik na sabik? Dun ka na sa kuripot na top 6 niyo!"

"Top 5 yun oy!"

"Ganun din yun."

"Hala, kelan pa naging 5 ang 6 aber?"

"Kahapon lang. Di ka updated. Tsaka wag mo nga kong ma aber-aber dyan ha! Pektusan ko yang ilong mo ehh."

"Sus, porke't matangos ilong mayabang sus."

Haha. totoo yun matangos ilong ko mana kay mama.

"Oy, Allenne Marie Marasigan nalilibang ka ata? Pasok!"

"Oo na, oo na. Paulit-ulit? Makasigaw wagas. Palibhasa menopausal!"

"Aba't!-"

ang babaeng yun sinarahan ba naman ako ng pinto.

Naku naku naku! Pag ako napikon talagang hahambalusin ko yang muk-

"Ehem."

sino yun?

Paglingon ko ay nandoon si Xander, nakatitig sakin na parang sinasabing "NALILIBANG KA ATA NANDITO PA KAMI EXCUSE ME."

ay oonga pala may bisita.

Isinuksok ko agad sa vase na katabi ko ang bra ko na ginawang sun hat ni Allenne.

"A-ahh. Pasensya ka na Xander ahh, kasi may lakad pa ko. May taping kasi si Bentot ngayon, late na nga ako ehh."  nakangiti kong sabi.

Nakatitig siya sakin, I can sense sadness, PITY.

"Bakit ka nakatitig sakin ng ganyan ha? May dumi ba ko sa mukha?"

"A-ahh, Joey, hindi mo ba naaalala?"

Nagtataka pa rin ako sa sinasabi niya.

"Ano ka ba Xander, ang alin?"

"Diba wala na kayo ni Jonas?"

Ay. Oo nga pala.

I felt a tear slide down my cheek.

I quickly wiped it away.

Tumawa ako.    "Ay Oonga pala no? Haha."

"Okay ka lang ba Hija?" tanong nung lalaking kasama ni Jonas.

I turned to him.

"Oo naman po, Mr..."

"Mr. Regardo, Hija."

"Ayos lang po ko Mr. Regardo, I guess old habits die hard diba?"

Another tear fell. I quickly wiped it away.

Hinarap ko si Xander. 

"So, Xander bakit ka nga pala nandito? Anong sadya mo?"

He looked at me sternly.

"IKAW ANG SADYA KO, JOEY."

*XANDER'S POV*

"Ako? Ako ang sadya mo? Bakit?"

"Yes, Ikaw nga. Hindi mo ba ko narinig ha? Ano ka bingi?"

"Sus, sorry po ahh Mr. Perfect. Pasensya. Psh."

I sighed. I swear, this girl.

"Okay, moving on. I need you to do something for me."

"So humihingi ka ng pabor? Ano tayo close?"

"Not exactly, Ms. Amazona. It's more of a business deal."

"Business deal? Wala naman akong pera nagkakanda-kuba na ko magtrabaho magbi-business deal pa ko. Ano ko bali?"

"PLEASE FOR GOODNESS SAKE CAN YOU SHUT YOUR MOUTH JUST FOR A MINUTE!"

Nakita kong nagulat siya, hay. Stupid Xander ruining his own plan.

"Sorry Joey. I'm just a bit frustrated."

"O-okay lang. So, ano ba kasi yun?"

"Mangangako ka ba na hindi ka magpapanic o manghahampas ng kahit anong inanimate object na mahahablot mo dito sa bahay na to?"

"Bakit ano ba kasi yun?"

"Mahirap sabihin Joey, believe me."

"Ano nga yun? Promise hindi ako magfe-freak out or something like that."

"Promise?"

"Promise nga. Oo na, ang kulit ng lahi."

"I WANT YOU TO BE MY GIRLFRIEND"

Let's Play Pretend (KathNiel FanFic) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon