CHAPTER 17 LPP

2.2K 42 10
                                    

*joey's pov*

"Ang dumi ng mukha mo."

"ikaw din naman ahh!"

"mas madumi yung iyo!"

eto kami ngayon ni xander, naka-upo ako sa kotse at pabalik na kami sa bahay. ang saya saya kanina, pero hindi ko na nakita si jonas after the announcement, saan kaya nagpunta yun?

"hindi mas madum-" 

let me tell you a story

'bout a girl and a boy

he fell inlove with his bestfriend

when she's around he fee-

tumutunog pala yung phone ni Xander. teka, justin bieber song ba yun? HAHA BADING SI XANDER.

"Hello. Yes Manny, ha? talaga? Okay, okay I understand. Sige, papunta na kami dyan."

"Oy, Xander ano daw sabi?"

"Pupunta tayo sa Shang. Kailangan daw tayo dun. Baka dun na din tayo matulog kaya tawagan mo na si tita Amanda."

O.o

Ano daw?!?!

"T-tayo? Sa hotel? Oy Xander grabe ka ang manyak mo talaga. Bading ka na nga manyak ka pa din!"

Pinagpapalo ko siya sa braso. Kainis.

"O-oy tumigil ka nga Joey. Kilabutan ka nga sa sinasabi mo! Matutulog tayo dun kasi malapit din dun ang press launch para sa bagong teleserye natin. Tsaka anong bading sinasabi mo dyan?"

"Ay, talaga? Ahh, bading ka kasi si justin bieber ringtone mo haha. Pinag-nanasaan mo yun no? Kadiri ka gwapo ka pa naman, ang gusto mo pala GWAPO DIN."

"HOY HINDI AHH! S-si Megan! O-oo si Megan, yung secretary ko. Favorite niya si Justin Bieber kaya yan yung ni-ringtone niya. Babaguhin ko na lang mamaya."

Namumula si Xander, haha. Secret JB fan pala to.

"Sus, palusot pa ang tsonggo! HAHA."

Napa-abante ang katawan ko ng hininto ni Xander ang kotse.

"O-oy, Bakit mo hininto?!?"

Lumingon siya sakin, a smug smirk playing on his lips. Naku Lord nabadtrip ata, baka pababain ako nito sa kotse't paglakarin. Naku please wag naman po nakaheels ako!

Nilapit niyang maigi yung mukha nya sakin.

"Teka, diba kanina sinabi mong GWAPO AKO."

Lahat na ata ng dugo sa katawan ko umakyat sa mukha ko. Napansin niya yun?!. Eng-eng ka talaga Joey!

"A-ahh, HINDI AHH! kadiri ka, never kong iisipin na gwapo ka. Mukha kang tsonggong nakadrugs. O-oo yun nga."

Mas nilapit niya pa yung mukha niya sakin. Sa sobrang lapit nakadikit na yung likod ko sa bintana ng kotse.

Naku naman po Lord, ilayo niyo po ako sa tukso!

CHOS LUNGS.

"Talag Joey? Hindi ka man lang nagagwapuhan sakin? Not one bit?"

"H-hindi. Hindi talaga."

Mas inilapit niya pa yung mukha niya sakin, to the point na nagkakabanggaan na ang mga ilong namin.

Nararamdaman kong may parang gumagalaw sa tyan ko.

Badtrip. Mga insektong butterfly.

Peste, hindi ako kinikilig! HINDI OKAY HINDI!

Let's Play Pretend (KathNiel FanFic) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon