*JOEY'S POV*
"Ugh. I give up. Ayoko na."
"Dali na Joey mamili ka na. Ang tagal mo naman may pupuntahan pa tayo ehh." angal ni Xander.
"Eh kasi naman ang gugulo ng pagkain dito ehh. Sabi ko kasi sayo mag-McDo na lang tayo ang arte arte mo."
"Ayos nga dito ehh. Ano ka ba Joey dito ako madalas kumain kasama yung mga co-stars ko."
"Kayo yun. Ayoko dito, ano ba kasi yang cilantro cilantro na yan ha? Kangkong lang ata yan pinaarte pa."
"Alam mo para kang timawa. Ako na nga oorder. Sus."
Binelatan ko na lang siya.
Eh kasi naman po dito ako dinala ni Xander sa sosyal na restaurant. Ewan ko italian cuisine ata. Wala akong maintindihan sa menu. Cheeseburger lang solve na ko ehh. Hindi naman sa hindi pa ko nakakapasok sa ganito, sadyang ayoko lang mag-aksaya ng pera sa luho.
"Two Baked Ziti and an Angus beef pizza please. Thank you."
He turned back at me.
"So, Joey. After nito may pupuntahan pa tayo."
"At saan mo na naman ako kakaladkarin ha? Hoy ayoko na pagod na ko. Ikaw kaya makipag-buno kay majimbu tignan natin kung di ka mapagod."
Dumating na yung pagkain at nakita kong pasta lang pala to.
"Sus, may pa ziti ziti pa eto lang pala to. Ano ba yan."
Kumuha na ako ng plato, akmang kakain na ako nang may lalaking lumapit sakin na may dalang panyo.
Inabot niya ito sakin. "Thank you." sabi ko.
Itinali ko sa leeg ko.
"Ang sosyal naman dito Xander, may libreng bib."
Nakatitig lang siya sakin. Namumula.
"Pfft-HAHAHAHAHA!"
"Hoy, bakit?"
"HAHAHAHA."
"Uy ano nga yun?"
tawa pa rin siya ng tawa hanggang sa napapahawak na siya sa tyan niya.
"Pag di ka tumigil kakatawa dyan ibubuhos ko tong pagkain ko sayo, sige."
"Eh kasi naman Joey, hindi bib yan. Sa hita yan pinapatong. Ngayon kumpirmado ko na."
"Ang alin?"
"TAONG TABON KA NGA."
*toink*
"Makabatok ka wagas ahh!!" sabay kamot niya sa ulo.
"Eh kasi naman ang sama mo. Imbis talaga na sabihin mo sakin yung tama tinawanan mo lang talaga ako no?"
"Ang cute mo kasi ehh."
"HA?"
"A-ang ibig kong sabihin ang cute mo para kang baboy. Piglet kumbaga. Tignan mo yung tyan mo ang laki ohh. Yung braso mo pwede nang hamonado sa pasko yan."
"Aba ang yabang mo ahh. Hiya naman ako sayo, seksi mo ehh."
He smirked. "Buti alam mo."
"Kapal mo tsong." sagot ko naman.
"Kumain ka na nga lang dyan. Dalian mo ahh. May pupuntahan pa tayo."
"Bahala ka nga."
at yun nga, kumain lang ako ng kumain. Inubos ko halos lahat. Takot nga si Xander baka daw pati kutsara't tinidor malunok ko na. Grabe naman siya, hindi naman ako ganun ka patay gutom, slight lang.

BINABASA MO ANG
Let's Play Pretend (KathNiel FanFic) (COMPLETED)
Fanfiction"Ano bang nirereklamo mo? Diba eto naman ang gusto mo? mangyari na finally sa atin na ang last laugh. Pero bakit ka nagkakaganyan ha? Nagpapanggap lang tayo!" "Oo na, oo na! Wag mo na paulit-ulit ipamukha sakin na pagpapanggap ang lahat! Wag kang ma...