CHAPTER 10 LPP

2.3K 45 3
                                    

Author's note:

Hay nakooooo. Magash maraming salamat may mga votes na tong story ko. :))) Keep on reading po. THANK YOU THANK YOU SUPER MASSIVE. haha. Alam ko ang babaw ko kaso masaya lang talaga HAHA. Sana po mas magustuhan niyo pa yung takbo ng story ko. Okay ang daldal ko hehe tapos na go reeaaaddd. :>

*JOEY'S POV*

loading 40%

loading 80%

loading complete

"MAY SAYAD KA BA HA? HOY KUNG INAAKALA MO NA GANUN AKONG KLASENG BABAE PWES NAGKAKAMALI KA!"

"Joey sandali nam-"

"MARAMI PA KONG PANGARAP NA GUSTONG MAABOT, HINDI KO PA KAYA. HINDI PA NAGHIHILOM ANG SUGAT NG PUSO KO ANO KA BA ISA AKONG DALAGANG PILIPI- oomph"

tinakpan ni Xander ang bibig ko.

gamit ang sun hat ni Allenne.

ABA'T!

"Manahimik ka na muna pwede? Ang ingay mo ehh. Sabi ko girlfriend hindi ko sinabing asawa. Kalma ka lang, okay?"

Tinanggal ko ang sun hat ni Allenne sa bibig ko.

"Ikaw talagang tsonggo ka bastos ka rin eh no? Ano bang girlfriend girlfriend chenes ka dyan ha? Hoy excuse me hindi kita type."

namula sa galit ang mukha ni Xander.

"Hoy babaeng iniri ng labindalawang beses, mas lalong hindi kita type no! Kadiri!"

"Aba ang yabang mo ahh. Kala mo kung sin-"

"That is ENOUGH."

akmang sasakalin ko na sana ng bra ko si Xander nang magsalita ang lalaking kasama niya.

"You are both acting like such silly kids. Kung hindi niyo kayang pag-usapan ng mahinahon ako na ang magsisimula ng 'business deal' na ito. Please Ms. Marasigan, sit down."

Kahiya naman ako. Eto kasing tsonggong patpatin na to ehh, kala mo kung sino. Sus.

wala naman siya sa kalingkingan ni bentot no. Mas gwapo pa nga tutuli ni bentot sa kanya.

"Ms. Marasigan, are you with us?"

"A-ay. Sorry po. Ano nga po ulit yun?"

"Tss. Amazonang bingengot." bulong niyang sabi.

"Hoy narinig ko yun ah!"

"Wow buti pa yun narinig mo."

Binelatan ko na lang siya.

I turned to Mr. Regardo.

"So, ano nga po ulit yun?"

he sighed.    "Ms. Marasigan, we have a proposal for you."

"Naku, proposal ho? Hindi pa po ako handang mag-asawa. Haha."   biro ko.

"Business proposal hindi marriage tungaks."

"Oo, alam ko. Maka tungaks ka wagas ahh. Wag ka na ngang epal dyan!"

"Ms. Marasigan gusto mo bang gumanti sa ex-boyfriend mo at kay Ms. Dela Pena?"

biglaan yung tanong niya. napansin niya atang hindi na kami matatapos ni Xander.

napalunok ako dun sa word na EX. ouch ha. Sige ipamukha lang.

"A-ahh. Ehh, kasi po ano ehh."

"Do you want the last laugh or not?"

"Of course I want it but-"

"Then it's settled. Kasama ka na sa plano. Let me explain it to you Ms. Marasigan."

"Joey na lang po."

"Okay, Joey. Ang proposal nito ay napakasimple. Ime-make over ka namin from head to toe. Lahat ng kilos at salita mo sa amin manggagaling. You will be the new It girl of the Philippine Showbiz industry. At syempre, kasama mo dun si Xander. Kalove team kumbaga. Your tandem will be the biggest team up of the century."

Nagtaas ako ng kamay.

"Tss. Ano to recitation? Tungaks talaga."

"Paki mo ba ha tsonggo? Walang basagan ng trip."

sumasabat pa kasi.

i turned back to Mr. Regardo.

"Ahh, Sir. Ano naman pong kaugnayan nito kay Bonnie at kay bentot este Jonas?"

natawa pa ng mahina si Xander. I shot him a death glare.

"Simple lang. Pag kayo na ang biggest loveteam ng Pilipinas, mae-echapwera na si Bonnie at Jonas. They will eventually 'break up', if you know what I mean hija."

nakangiti siya sakin ng parang may binabalak na masama. Nakakatakot.

"Ahh, kasi po ano ehh. Hindi po ba parang ang sama naman natin nun?"

natawa siya.

"Hija, you are so naive. Hindi ba iniwan ka sa ere ni Jonas at ipinagpalit para sa Bonnieng yun?"

"Oo nga po pero-"

"Hindi ka ba niya pinamukhang tanga, niloko, iniwan?"

"Kaso naman po ba-"

hinawakan niya ang kamay ko. He puts a pen on my palm.

"Sign the contract hija. It's a win-win situation. Nagantihan mo na silang dalawa na dumurog sa puso mo, sumikat at yumaman ka pa. Kilala sa buong pilipinas at hindi ka na mamomroblema sa trabaho. We can help you get anything beyond your wildest dreams. Don't you want to have the last laugh?"

i think hard.

Mahal na mahal ko pa rin si Jonas.

Pero tinapak-tapakan niya ang friendship namin at binalewala ang lahat ng pagmamahal na ibinuhos ko para sa kanya.

Hindi na kita mahal, Joey.

Hindi na kita mahal, Joey.

Hindi na kita mahal, Joey.

His words wound me so badly. I can't take it anymore. I took one last look at the man.

I slowly opened my mouth and let the words slip out.

"I'LL DO IT. I WANT THE LAST LAUGH."

Let's Play Pretend (KathNiel FanFic) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon