CHAPTER 25 LPP

2.2K 38 4
                                    

*JOEY'S POV*

"ATE ANO BA ANG BAGAL MO NAMAN EHH!"

"Teka Allenne okay? Kumalma ka nga saglit lang."  sabi ko naman.

Eto kasing si Allenne ang kulit kulit, sinabi na ngang teka lang ehh. Hindi ko alam kung ano isusuot ko. Simula kasi ng nag-aminan kami ni Xander parang....

Naconscious na ko.

Hindi naman ako dati ganito kay Jonas. I was perfectly fine sa mga damit at kilos ko, pero kay Xander. I think I'm...

SCARED.

"Ate ano ba paganda ka ng paganda diyan ehh di naman yan eepekto. Ganyan na talaga hitsura mo."  sabat ni Allenne.

Binato ko siya ng suklay.  "Ang sama mo ha! Hindi lang kasi ako makapili ng susuotin ehh. Teka naman."

Pumasok siya sa loob ng kwarto ko at pumasok sa loob ng closet ko.

"Anong hinahalungkat mo dy-OOF."

Hindi na ko nakasabat dahil nabato ako ng damit sa mukha nitong si Allenne.

"Ako ang magpapack ng mga damit mo, Ate. Tawagan mo na si Kuya Xander dun."

"A-ayoko nga. Baka mamaya kung anu-ano ilagay mo dyan. Ako na!"

"Mama si Ate ang kulit oh!!"  sigaw niya.

"Sige na anak, tawagan mo na si Xander."  sagot ni mama.

"Hmp. Sumbongera ka talaga." 

Let's Play Pretend (KathNiel FanFic) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon