A/N: HEYAAAAA. :)
Ngayon lang po ulit makakapag-update. Goodbye tests! Yehey. Let's dance people! *random dancing* *dorky dancing*. MEHEHE. Sorry ang weird ko. HAHA. So, chappie 21 eh? NICE. May XANDEY moments po ulit dito. Yehey may loveteam na silaaaaa.
*JOEY'S POV*
Nasan ako?
Okay ang sakit ng ulo ko ahh. yung pisngi ko parang binagsakan ng hollow block. Anobayan?
BEEP BEEP BEEP
Oy ano yun jeep lang ang peg? Haha.
Unti-unti kong minulat ang mga mata ko. I'm in a white room. Parang ospital ata. Tumingin ako sa paligid at nakita kong may lalaking nakahilig sa kama ko. Nakababa yung ulo at mukhang natutulog.
Kumuha ako ng isang saging sa fruit box sa gilid ko at binato ang nilalang na ito.
Si Xander to sure ako. HEHE.
Mapagtripan nga.
"JOEY?! GISING KA NA PALA! KAMUSTA PAKIRAMDAM MO?! MAY MASAKIT BA?"
nakakatawa yung hitsura ni Xander, parang kala mo nanay na alalang alala sa anak niya.
Ang cute.
"A-asan ako?"
"Hindi mo alam?"
"S-sino ka?"
Maghihysterical na yan in 3....2......
"JOEY?! MAY AMNESIA KA? OH MY GOD THIS CAN'T BE HAPPENING!"
nakakatawa talaga yung mukha ni mokong. gulat na gulat. Agad siyang lumabas ng kwarto.
Pagbalik niya malipas ang ilang segundo ay may narinig akong nagsasalita.
"S-sir, san niyo po ba ko dadalhin?"
"Che-check up-in mo yung girlfriend ko okay? Make sure she's alright."
"P-pero Sir, hin-"
biglang bumukas ang pinto and it revealed Xander, na may kasamang lalaking kamukha ni Kuya Jobert at may hawak na clipboard. Mukhang confused na confused yung lalaki.
"Dali na. Check-up in mo na yung girlfriend ko. May amnesia ba ha?! Tell me. Tell me!."
Wow. Ang sarap naman pakinggan nung "GIRLFRIEND." okay sige kinikilig ang lola niyo.
Nilapitan ako agad nung manong. Kinapa niya yung noo ko, at kinapa niya yung leeg ko.
"Ahh, Manong. Ang tanong po niya ay amnesia, hindi lagnat." natatawa kong sabi.
"E-eh kasi naman po ma'am hindi naman po talaga ako doktor ehh. Janitor po ako dito. Bigla na lang po ako hinablot dito ng nobyo niyo ehh sinusukat ko lang naman tong lab coat ni Dok Martin."
Kamot-ulo pa si Manong habang si Xander namumula na sa hiya.
"S-sorry po Manong. Nagpanic lang."
"Ikaw naman kasi tsonggo, masyado kang nerbiyoso ehh. Ang O.A. mo."
Oops, nadulas ako. WAAAA.
"WALA KANG AMNESIA?!?!?!"
"Kumalma ka. Hehe. Sorry na Xander, nagtrip lang naman ako ehh. Sorry na, please?"
nagpe-please sign ako with puppy dog eyes. sana magwork.
"Sorry mo mukha mo. Ang sama mo ahh. Pinag-alala mo pa ko." mabilis niyang sabi.
"Hihi. Sorry. pero teka, tama ba yung narinig ko? NAG-ALALA KA?"
nakatitig lang ako sa kanya at bigla siyang napalunok.
"A-ang ibig kong sabihin..a-ano..Basta ahsgfuelejdienekewlw."
"ANO?"
"Ang sabi ko ahsgfuelejdienekewlw."
"ANO?!"
"I CARE ABOUT YOU OKAY?! HAPPY?!" naiinis niyang sabi.
KILIG OVERLOAD. KILIG OVERLOAD.
Nilapitan ko siya at kinurot yung ilong niya.
"Ang cute mo pala maconcern." bigla kong nasabi.
naku. patay.
"Cute pala ako ahh. Halika dito!"
hinabol ako ni Xander sa loob ng hospital room at kiniliti ako ng kiniliti. Napahiga na nga ako sa sofa sa kakatawa.
"Xander, please stop. Hahaha. Pffftt-Tama na. Haha. Hindi ko na kaya."
Nagkukulitan pa kami nang biglang bumukas ang pinto at nakita namin ang dalawang pigurang nakatayo.
"Ehem."
"Oh my God my eyes!"
Gulp.
A/N: Janjararaaaaaaan. Sorry kung boring haha wala pang masyadong maisip ehh. Suggestions? hehe. Comment, like and be a fan. :)
BINABASA MO ANG
Let's Play Pretend (KathNiel FanFic) (COMPLETED)
Fanfiction"Ano bang nirereklamo mo? Diba eto naman ang gusto mo? mangyari na finally sa atin na ang last laugh. Pero bakit ka nagkakaganyan ha? Nagpapanggap lang tayo!" "Oo na, oo na! Wag mo na paulit-ulit ipamukha sakin na pagpapanggap ang lahat! Wag kang ma...