*Joey's POV*
"Ma, para."
nakatayo ako sa harap ng isang napakalaking building ngayon.
Ang ETV Building. Nandito ngayon si Jonas,
at yung lintik na Bonnieng Hitad na yun.
Binilisan ko agad ang lakad ko papunta sa loob.
Dire-diretso na sana ako ng pigilan ako ng guard,
"Miss, I.D. mo?"
patay. wala pala akong I.D. dito. Dati kasi pag pumapasok ako kasama ko si Jonas kaya dire-diretso lang ako, hindi naman ako hinaharang.
Nag-iisip ako ng paraan para makapasok. MA-UTO NGA SI MANONG GUARD. HEHE.
"Manong guard, may nagsabi na ba sa inyo na kamukha niyo si Enchong Dee?"
"Meron na hija. Meron pa ngang nagsabing kamukha ko si Piolo Pascual at si Xian Lim. Kaya ineng kung wala kang I.D. eh umalis ka na. Bumalik ka na lang pag meron na."
Aish. Pano ba to?
*isip*
*isip*
*TING* (bright ideaaaa. :>)
"Manong, k-kasi.."
"Ineng ano nga ba yun sabi ko sayo buma- INENG!!"
naghimatay-himatayan ang lola niyo.
"Teka, dadalhin kita sa clinic, naku kang bata ka mawawalan pa ko ng trabaho sayo ehh. tsk tsk."
YES! MAKAKAPASOK NA KO. ^O^
Buhat-buhat ako ni Manong na kamukha ng paa ni Enchong Dee.
Sumilip ako ng konti nang makita ko ang dressing room ni Jonas.
JACKPOT! :)))
Para makalaya ako kay Mr. Enchong DEE-RIN,
"ARAY KOOOOO!"
kinagat ko ang tenga niya. Ang pakla pramis.
Pero kailangan, para makausap ko ng matino si Jonas,
at mapektusan si Bonnie. Hehe.
Mas mabilis pa kay flash akong nakarating sa dressing room ni Jonas.
Walang anu-anong pumasok ako sa dressing room niya.
UMAYYY. MY EYES!
Nagbibihis pa lang pala si Jonas nang pumasok ako.
Pero ayos lang, dedmahin na lang yan.
Halata ko sa mukha niyang gulat na gulat siyang makita ako.
"Joe-"
tinakpan ko ang bibig niya.
"Ako muna magsasalita, mamaya ka na."
tumango naman siya at nagsimula na ko.
"Bakit mo ko tinanggi sa harap ng buong pilipinas, Jonas? Anong pumasok na masamang hangin sa katawan mo ha? Ginayuma ka ba ng mukhang albularyong Bonnie na yun?"
tatawa na sana ko ng may sinabi syang ikinagulat ko.
"Hindi na tayo pwede Joey. Ayoko na sayo. Masyado kang boring at plain. Wala ka sa kalingkingan ni Bonnie. Siya sexy, maganda, at higit sa lahat, SIKAT."
nagbabadya nang mahulog ang mga luha sa mata ko.
"N-n-nagsisinungaling ka Jonas. Wag mo naman akong biruin ng ganito ano ka-"
"Nakakatawa ka talaga miss Joey. Kawawa ka naman. Nagmamakaawa ka kay Jonas na ibalik ka niya sa buhay niya? Pwes, Sorry to say WALA KA NANG LUGAR, WAG KA NANG MAKISIKSIK PA."
"Hoy,hitad wag ka ngang maki-ekstra dito hindi porket studio niyo to ehh matatakot akong baliin yang retokada mong ilong!"
eto kasing bonnie na to. Bigla biglang pumapasok sa dressing room ng may dressing room. Echuserang frog.
"Tama si Bonnie, Joey. Nasabi ko nang lahat ng kailangan mong malaman. Umalis ka na bago pa ko magpatawag ng Security."
Hinawakan ko siya sa braso.
Nagpupumiglas si Jonas sakin, si Bonnie naman hinihila ako palayo.
Pigilan niyo ko, PIGILAN NIYO KO! Uupakan ko na talaga to!
"J-j-jonas tumingin ka sa mga mata ko."
pinilit kong iharap niya sakin ang mukha niya.
Hinawakan ko ang baba niya.
"Jonas please, please don't do this. Alam ko nagsisinungaling ka. Listen to me."
"Ano ba Joey! Tapos na tayo, umalis ka na!"
"Hindi ako aalis dito hangga't hindi mo ko tinitignan sa mata!!!!"
Tinitigan niya ko, yung tingin na parang papatay ng tao.
Dati, pag tinitignan niya ko, I feel so warm and so loved pero ngayon,
His stares are cold as ice.
"Ngayon, sabihin mo sakin na hindi mo ko mahal, aalis na ko dito."
"Joey, HINDI NA KITA MAHAL."
and with that last sentence,
NASIRA ANG BUONG MUNDO KO.

BINABASA MO ANG
Let's Play Pretend (KathNiel FanFic) (COMPLETED)
Fanfiction"Ano bang nirereklamo mo? Diba eto naman ang gusto mo? mangyari na finally sa atin na ang last laugh. Pero bakit ka nagkakaganyan ha? Nagpapanggap lang tayo!" "Oo na, oo na! Wag mo na paulit-ulit ipamukha sakin na pagpapanggap ang lahat! Wag kang ma...