CHAPTER 11 LPP

2.4K 37 1
                                    

*JOEY'S POV*

Wake up Bentot ko.

Ugh. Ayaw.

Wake up na please. Dali na.

Pechay. Ang kulit ng lahi nito ahh.

Wake up na po. I love y-

"No, you don't Jonas. No, you don't."

Binato ko sa sahig yung alarm clock na binigay sakin ni Jonas for our 14th Month anniversary.

May record yun ng boses niya as an alarm.

Tuwang tuwa ako noon nung binigay niya yun sakin, yun daw ang paraan para every morning siya ang unang unang gigising sakin.

Sus. Life sucks right?

Bumangon na ko at tinupi ang kumot. Pinatay ko na rin yung aircon at pumunta sa C.R. ko para mag toothbrush.

Tumingin ako sa salamin.

"Hay, Joey. This is the day. Bakit ka ba kasi pumayag payag pa dun sa agreement na yun? Ngayon aayaw ayaw ka. Hay bahala na nga."

Lumabas na ko ng kwarto ko at pababa na ko ng hagdan.

Nakapikit pa rin ako, hay nako goodluck sakin pag nahulog pa ko dito.

"Ma, ano po ba almusal?"

"Well Good morning to you too Ms. Amazona."

"AY PALAKA!-aray koooo."

nanlilisik ang mga mata ko sa nilalang na to.

"ANO BA HA?! ANG AGA AGA NAMBIBWISIT KA. ANG USAPAN MAMAYANG ALAS NUEBE PA AH!"

"Miss Marasigan, Alas dose na po. Kanina pa kong alas nuebe nandito sa bahay niyo. Umalis sandali mama mo mamamalengke lang daw. Sabi ko aantayin na lang kita dito. Malinaw na?"

Himas himas ko pa rin yung pwet ko na napuruhan nung madulas ako sa hagdan.

"Talaga? Alas dose na?"

"Oo. At kung pwede magtoothbrush ka. Ikaw nagiging sanhi ng global warming ehh."

"Kapal mo ahh! Hoy nagtoothbrush ako no! Kahit hingahan ko pa yang ilong mo mabango bibig ko."

"Tss. Whatever. Halika nga ipagluto mo ko ng kahit ano para may pakinabang ka naman."

"Kapal mo rin eh no? Lalaitin mo ko tapos biglang feel-at-home ka na naman."

"Dami pang satsat ehh. Luto na dali." mainip niyang sabi.

"Oo na, oo na. Sus daig pa babae sa umaga."

"Anong sabi mo?"

"Wala sabi ko maupo ka na. Magluluto na ko pwede?"

"Kala ko kung ano ehh."

Nagluto na ko. Simple lang. Omelet tsaka bacon. May loaf bread din sa pantry.

"O ayan. Pag yan nilait mo pa ibubuhos ko sa pantalon mo yan. Kung ayaw mo sa labas ka kumain wag ka dito sa bahay nambibwisit."

Sumimangot siya sakin, pero hindi nagsalita. Takot lang niyang magutom. HAHA.

Sumubo siya nung omelet at kumuha ng tinapay.

Mabilis pa sa alas kwatro niya naubos ang pagkain na niluto ko. Sus, PG lang kuya?

Dumighay siya at nagsalita. "Pwede na."

"Kunyari ka pa eh halos dilaan mo na nga yang plato mo sa sarap ehh."

"Ang O.A. mo naman. Dali na Amazona, aalis na tayo. Maligo ka na at magbihis."

"Oo na. Ililigpit ko lang to."

Akmang kukunin ko na yung plato niya nang pigilan niya ko.

Hinawakan niya yung plato habang hawak yung kamay ko.

What a strange feeling. Bakit ganun? Parang ang init ng kamay ko. Hindi ko ma-explain.

Hay erase erase! Wala yan okay Joey? Sadyang may lahing impakto yang xander na yan kaya ganyan ang kamay.

Agad niyang tinanggal ang pagkakahawak.

"Wag na Joey, ako na. Maligo ka na dun. tsaka ajsgdudlsl."

"Ano?"

"sabi ko ajsgdudlsl."

"ANO?!"

"SABI KO THANK YOU OKAY?!"

napatigil ako at napasimpleng ngiti.

"Ahh. Wala yun. Sus simpleng thank you lang parang nabubulunan pang sabihin. Sige na, maliligo na ko. Ayusin mo yan ahh parang awa mo na wag ka naman magbabasag."

"Tss. Oo na, dali. Male-late pa tayo sa appointment natin."

Naligo na ko at nagbihis.

Simpleng violet blouse lang yung suot ko, pants na hindi skinny jeans tsaka ballet flats. Lumabas na ko. Nakatitig sakin si Xander nang nakakaloko.

"Bakit ganyan ka makatingin?"

He laughed softly.

It was quite attractive, ang cute ng tawa niya.

TEKA SAN GALING YUN?! ERASE! ERASE!

I mentally slapped myself for thinking that.

"Wala lang. It's just that nagtataka ako kung paano ka nagustuhan ng isang Jonas Cuervo. Napaka plain mo. Even my P.A. is more glamorous than you."

"Sus eh di kung mas glamorous pala yung P.A. mo eh di siya pagpanggapin mong syota mo. Lakas mo rin manlait eh no? Anong kala mo sa sarili mo Hari?"

"No, I actually think Greek God is more appropriate."

Nagpanggap akong nasusuka.

"Xander kilabutan ka nga dyan sa mga sinasabi mo. Tumitindig balahibo ko sa iyo ehh. Tara na nga."

Lumabas na kami ng bahay. I left a note sa fridge na aalis lang kami ni Xander sandali.

Nilock ko na yung gate at sumakay sa kotse niya.

"Xander, saan ba tayo pupunta?"

"Sa Phoebe's Salon. Huwag na maraming tanong. Let's go."

Let's Play Pretend (KathNiel FanFic) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon